Posts

Showing posts from February, 2025

Rhian Ramos kinilig sa pagsorpresa ni Sam Verzosa sa media launch ng "Where In Manila"

Image
ni GLEN P. SIBONGA KINILIG ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa media launch ng kanyang bagong lifestyle at travel show sa GMA, ang " Where In Manila ," dahil sa sorpresang pagdating ng kanyang boyfriend na si Sam "SV" Verzosa na todo suporta sa kanyang kasintahan. Madalas kasi na si Rhian ang sumosorpresa kay Sam katulad na lang noong kaarawan ng businessman at public servant. Kaya hindi maiwasang kiligin at maging emosyonal ni Rhian sa biglang pagpasok ni SV sa ballroom ng Winford Resort and Casino nitong February 27, at may bitbit pang bouquet of flowers si Sam para sa kanya. Ayon nga kay SV, "Gusto ko lang i-surprise si Rhian kasi siya yung laging nagsu-surprise sa akin. Kaya sana na-surprise ka kahit konti." "Naiiyak ako," sabi naman ni Rhian. Pagbati pa ni SV, "Congratulations, boo (tawagan nila sa isa't isa), sa iyong bagong show. Sana marami ka pang ma-inspire na mga kababayan natin. At maipakita ang kagandahan ng pinakamam...

Rhian Ramos magpapatikim ng cookie niya sa Bakery Fair 2025; FCBAI officers ibinahagi ang updates sa event

Image
ni GLEN P. SIBONGA KINUMPIRMA mismo ng Presidente ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na si Christopher Ah ang espesyal na partisipasyon ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa gaganaping Bakery Fair 2025 sa March 6-8 sa World Trade Center. Dagdag pa ni Sir Christopher, dadalo rin sa event ang aktor na si Marvin Agustin . Ayon sa FCBAI President, tinanggap na ni Rhian ang kanilang imbitasyon. Masaya rin niyang ibinalita na hindi lang basta pupunta ang aktres sa Bakery Fair 2025 kundi magkakaroon pa ito ng demo session sa pagbe-bake ng frozen "bãs bake" cookies sa unang araw ng event sa March 6. "Si Ms. Rhian Ramos, na sabi ko nga the sexiest baker, sumagot na sa imbitasyon natin. Pinaunlakan ang ating imbitasyon.  "Bakit si Rhian? Kasi si Rhian sa social media ay magaling na influencer in promoting eating and living a healthy lifestyle. "We're very excited. Magbe-bake siya ng cookies on the first day," sabi ni Sir Christopher sa gran...

Beautederm CEO Rhea Tan attends ‘Everything About My Wife’ premiere; Praises Jennylyn, Dennis, Sam

Image
by GLEN P. SIBONGA BEAUTÉDERM founder and CEO Rhea Anicoche Tan attended the world premiere of the movie " Everything About My Wife ," starring Beautéderm endorsers Jennylyn Mercado , Sam Milby , and Dennis Trillo , on Tuesday, February 25, at SM Megamall. The venue was packed with Mercado, Milby, and Trillo fans, as well as the lead stars' families and friends. Beautéderm family, the brand that has supported Mercado and Milby's various initiatives, was also in attendance. Tan was impressed by the presence of Mercado, Milby, and Trillo, who gave exceptional performances in the Real Florido film. “Jennylyn Mercado, Sam Milby, and Dennis Trillo were all beaming at the premiere. I enjoyed how they interacted with their fans. Without a question, they are the country's best actors and actress of their generation. They gave such honest and poignant performances on screen,” the Beautéderm CEO said. Reflecting on the movie, Tan added, “The audience will find the film r...

Ruru, Shaira, Thou, DJ Chacha, Pepita, Rhea Tan pinagkaguluhan sa Beautederm store opening sa SM Sta. Mesa

Image
ni GLEN P. SIBONGA PINAGKAGULUHAN ng fans at maging ng mall goers ang Beautederm ambassadors na sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Thou Reyes, Pepita Curtis, at DJ Chacha pati na rin si Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan sa ginanap na Beautederm store opening sa SM City Sta. Mesa nitong Linggo, February 23, Hindi magkamayaw ang fans at supporters ng Beautederm ambassadors na talagang bumili pa ng Beautederm products pati na rin ng affiliate brands nito na Blanc Pro at Belle Dolls para magkaroon ng oportunidad na makasali sa meet and greet para makapagpa-picture kasama ang paborito nilang celebrity ambassadors. Pati nga kay Ms. Rhea ay nagpapa-picture ang fans. Nangunguna na riyan ang fans ng Lolong stars na sina Ruru at Shaira na sumugod sa SM Sta. Mesa para makita at makasama ang kanilang mga idolo. Talagang nagdala pa sila ng posters, tarpaulin at iba pang visuals at sinamahan pa ng malakas ng hiyawan at palakpakan para ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal kina Ruru at Shaira. M...

Mas pinalakas na cast, Pinabonggang videoke showdown, Aabangan sa pagbabalik ng "Sing Galing"

Image
MALAPIT na malapit na ang ‘Sobrang Grand’ comeback ng Original Videoke Kantawanan Show ng bansa! Pagkatapos ng dalawang taon, magbabalik ang iconic TV5 legacy show na " Sing Galing ," at handa na itong maghatid muli ng saya at katatawanan sa telebisyon. Napagsama-sama nito ang magagaling, hinahangaan, at pati na rin mga bagong talento sa pinakabago nitong season. Angkop sa videoke format ng show, pinakilala na sa press ang powerhouse cast sa isang “Media Videoke-Con” sa Rockstar KTV sa Greenhills noong February 17.   Siguradong mas magiging masaya ang mga kaawitbahay dahil magbabalik din ang tatlong original Singmasters na sina Mr. Private Eyes Randy Santiago , Ultimate Performer K Brosas , at Biriterang Beshie Donita Nose .  Hindi rin magpapahuli sa kaSINGyahan ang returnee Jukebosses na talaga namang kinikilala sa Philippine music industry: Chief Sing-patiko Ariel Rivera , OG Sing Galing host Allan K , Phenomenal Diva Jessa Zaragoza , Champion Diva Ethel Booba , at ang OPM...

Judy Ann Santos, Rhian Ramos, iba pang celebrities imbitado sa Bakery Fair 2025

Image
ni GLEN P. SIBONGA EXCITED na ibinalita ni Chris Ah , president ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) , na nag-imbita sila ng celebrity chefs at bakers sa Bakery Fair 2025 na magaganap sa March 6-8 sa World Trade Center. "Inimbitahan natin si Ai Ai ( delas Alas ), si Maricar (Reyes) , sana si Heart ( Evangelista ) din. And sana maimbitahan natin ang pinakaseksing baker ngayon na si Rhian Ramos . We have Judy Ann ( Santos ) also and Marvin ( Agustin )," sabi ni sir Chris nang ma-interview namin siya sa presscon ng Bakery Fair 2025 sa Oriental Palace restaurant nitong Pebrero 13. Magde-demo ba sa baking ang invited celebrities? "We'll try our best. Baka one of them... we'll invite them to do a short demo with us. And maikuwento naman nila ang experience nila sa baking. Bakit sila pumasok sa baking? Ano ang meron sa baking? Baka pwede silang mag-share ng some tips and also paano magnegosyo," ani sir Chris. Magsasama-sama sa Bakery Fair 2025...

Elijah Alejo kahanga-hanga sa edad 20 may sarili ng perfume business

Image
ni GLEN P. SIBONGA KAHANGA-HANGA ang Sparkle GMA Artist Center talent na si Elijah Alejo dahil sa batang edad niyang 20 ay isa na siyang negosyante at mayroon na siyang sariling perfume brand, ang Haliya by Elijah Alejo . Noong Pebrero 8 ay inilunsad na ni Elijah ang Haliya sa F1 Hotel Manila BGC. Excited na humarap sa mga entertainment press at bloggers ang Kapuso actress at sinagot ang mga katanungan tungkol sa kanyang pinasok na business. "Gusto ko na po talagang magkaroon ng business since I was young. Especially po during 'Primadonnas' era po noong nakaka-earn na ako. "Naka-instill po sa akin na hindi naman po always may shows, hindi naman po always may ganap sa showbiz. And as a breadwinner, kailangan ko pong makaisip ng ibang ways para makaipon po. Kaya naisip ko po na mag-business. And eto na nga po ang Haliya by Elijah Alejo," sabi ni Elijah. Inamin pa ng aktres na bago niya napagdesisyunan na pasukin ang perfume business ay naisip niya rin na magkaroo...

75 trainees ng "Be the NEXT: 9 Dreamers" makikilala at makikilatis na simula ngayong Pebrero 8

Image
ni GLEN P. SIBONGA NAGKAROON na ng mukha ang mapalad na 75 trainees ng " Be the NEXT: 9 Dreamers " nang i-reveal na ang kanilang profile photos sa social media, pero mas makikilala at mas makikilatis na sila simula ngayong Pebrero 8 sa pilot episode ng naturang inaabangang talent survival show ng TV5 at MLD Entertainment PH, hosted by K-pop icon 2NE1’s Sandara Park .  Ang 75 trainees ay hindi lang galing sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa gaya sa South Korea, Japan, Thailand, Myanmar, Canada, USA at iba pa. Mula sa 75 trainees na ito ay pipiliin at sasalain ang susunod na global boygroup na bubuoin ng 9 members. Haharap na sa Level Test ang 75 trainees sa mentors na kinabibilangan nina AB6IX’s Park Woojin , Bang Ye-dam , HORI7ON’s Vinci , Hyebin (formerly of MOMOLAND), renowned choreographer Bae Wan Hee , and acclaimed producer Bullseye .  Kabilang ako sa maswerteng entertainment press at bloggers na unang nakakita sa 75 trainees sa launching ng show kamakailan...

Willie Revillame namigay ulit ng P1 milyon sa Wil To Win

Image
ni GLEN P. SIBONGA NAMIGAY ulit ng P1 milyon si Willie Revillame sa TV5 show niyang Wil To Win courtesy ng sponsor nito na TOP.ph. Ito na ang pang-apat na grupo na nanalo ng isang milyon sa Willie of Fortune segment ng Wil To Win. Mahigpit ang laban ng tatlong grupo sa Song Tanong. Kaya nang mag-triple tie sa score na 4 ay nagpasya na si Willie na paglaruin na lang ang tatlong grupo na binubuo ng 12 contestants. Dalawang colored boxes na lang ang itinira ni Willie na pagpipilian ng grupo - ang Kahel at Ube. Pinili ng grupo ang Kahel, na nagkataon kakulay pa ng TOP.ph. Matapos umabot ang offer ni Willie sa P200k, pinili pa rin ng grupo ang Kahel na kahon. Hindi naman sila nagkamali dahil ito ang naglalaman ng isang milyon mula sa TOP.ph. Nagtalunan, nagsigawan, nagpalakpakan at nag-iyakan sa tuwa hindi lang ang contestants kundi maging ang buong studio dahil sa bagong biyayang isang milyong hatid ng Wil To Win. Mapapanood ang Wil To Win mula Lunes hanggang Biyernes, 5pm, sa TV5.