Elijah Alejo kahanga-hanga sa edad 20 may sarili ng perfume business

ni GLEN P. SIBONGA


KAHANGA-HANGA ang Sparkle GMA Artist Center talent na si Elijah Alejo dahil sa batang edad niyang 20 ay isa na siyang negosyante at mayroon na siyang sariling perfume brand, ang Haliya by Elijah Alejo.

Noong Pebrero 8 ay inilunsad na ni Elijah ang Haliya sa F1 Hotel Manila BGC. Excited na humarap sa mga entertainment press at bloggers ang Kapuso actress at sinagot ang mga katanungan tungkol sa kanyang pinasok na business.

"Gusto ko na po talagang magkaroon ng business since I was young. Especially po during 'Primadonnas' era po noong nakaka-earn na ako.

"Naka-instill po sa akin na hindi naman po always may shows, hindi naman po always may ganap sa showbiz. And as a breadwinner, kailangan ko pong makaisip ng ibang ways para makaipon po. Kaya naisip ko po na mag-business. And eto na nga po ang Haliya by Elijah Alejo," sabi ni Elijah.

Inamin pa ng aktres na bago niya napagdesisyunan na pasukin ang perfume business ay naisip niya rin na magkaroon ng funenaria business. Pero hindi ito bet ng mommy niya.

Pinagpilian niya rin ang coffee shop pero kailangan niyang maglabas ng mas malaking investment. Kaya napagpasyahan niya na perfume na lang na kahit maganda ang quality ay mas mababa naman ang investment.

Ang nakabibilib pa kay Elijah ay ang paggamit niya ng Pinoy folklore, mythology, culture and literature lalo na sa pangalan ng kanyang brand na Haliya at sa variants ng perfumes niya na pambabae at panlalaki.

Ang Haliya ay hango sa warrior goddess of the moon sa Philippine mythology. Si Haliya rin ang lumaban sa higanteng ahas na si Bakunawa para protektahan lalo na ang mga kababaihan.

Bagay na bagay kay Elijah ang Haliya sa taglay niyang ganda na parang goddess at tapang sa buhay bilang warrior.

Pinoy na Pinoy rin ang dating ng pangalan ng scents ng kanyang pabango na hango sa Philippine culture and literature. 

Yung scents na pambabae ay Laura (sweet floral fragrance - na favorite niya), Clara (fresh floral-fruity scent), at Blanca (warm, spicy and full of elegance). 

Yung scents na panlalaki ay Simoun (fresh spicy fragrance), Florante (fresh, confident and woody), at Ibarra (invigorating fruity scent).

Long-lasting ang amoy ng mga pabango ni Elijah at very affordable pa ang presyo na P399 para sa maliit na sizes at P699 para sa malalaking sizes.

Congratulations, Elijah sa successful launch ng Haliya by Elijah Alejo! Goodluck sa iyong perfume business! 






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies