Mas pinalakas na cast, Pinabonggang videoke showdown, Aabangan sa pagbabalik ng "Sing Galing"


MALAPIT na malapit na ang ‘Sobrang Grand’ comeback ng Original Videoke Kantawanan Show ng bansa! Pagkatapos ng dalawang taon, magbabalik ang iconic TV5 legacy show na "Sing Galing," at handa na itong maghatid muli ng saya at katatawanan sa telebisyon. Napagsama-sama nito ang magagaling, hinahangaan, at pati na rin mga bagong talento sa pinakabago nitong season. Angkop sa videoke format ng show, pinakilala na sa press ang powerhouse cast sa isang “Media Videoke-Con” sa Rockstar KTV sa Greenhills noong February 17.
 
Siguradong mas magiging masaya ang mga kaawitbahay dahil magbabalik din ang tatlong original Singmasters na sina Mr. Private Eyes Randy Santiago, Ultimate Performer K Brosas, at Biriterang Beshie Donita Nose

Hindi rin magpapahuli sa kaSINGyahan ang returnee Jukebosses na talaga namang kinikilala sa Philippine music industry: Chief Sing-patiko Ariel Rivera, OG Sing Galing host Allan K, Phenomenal Diva Jessa Zaragoza, Champion Diva Ethel Booba, at ang OPM Legend Sing-Nior Hitmaker na si Mr. Rey Valera bilang Head Jukeboss
 
Apat na napaka-talented na Jukebosses ang magdadala ng dagdag na excitement: Soul Icon Ella May Saison, Asia’s Diamond Soul Siren Nina, Vocal Powerhouse Mitoy Yonting, at ang multi-awarded songwriter at hitmaker na si Vehnee Saturno. Sa pinagsama-sama nilang husay at hindi mapapantayang karanasan, siguradong magiging hamon at inspirasyon sila sa mga nangangarap na Singtestants na maging susunod na Ultimate Bida-Oke Star. 
 
Muli ring aabutin ng "Sing Galing" ang mga kabataan sa pamamagitan ng Singtokers nilang social media sensations na sina Queenay, Gab Pascual, Ari G, at Yanyan De Jesus. Dapat ding abangan ang pagbabalik ng first-ever grand champion nitong si Marimar bilang co-host sa companion online show na NOW ZENDING, kasama si Zendee. Silang dalawa ang magbibigay ng eksklusibong digital content, backstage interactions, at special features na mas maglalapit ng mga kaganapan sa show sa mga manonood.
 
Sa mas pinalaking stage, powerhouse roster ng Jukebosses, at kapanapanabik na talaga namang Pinoy format, pangako ng "Sing Galing" Year 3 na maging mabisang plataporma para sa mga talentong Pilipino at sa mga nagmamahal sa musikang Pinoy. Humanda nang makipagkantawanan sa ‘Sobrang Grand’ comeback ng “Sing Galing” dahil lahat ay kayang abutin ang tono ng tagumpay!
 
Magsisimula na ang "Sing Galing" ngayong March 1, 2025, at mapapanood tuwing Sabado, 5:45PM, sa TV5. I-share na ang excitement sa social media at gamitin ang mga hashtag na #SingGaling2025 #SingGalingTV5. Maging updated sa mga pinakabagong ganap at exclusive content sa pag-follow sa Sing Galing on Facebook, Instagram, TikTok, X (@SingGalingTayo), at YouTube (@SingGaling).





Comments

Popular posts from this blog

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Rhea Tan at Beautederm family sumugod sa Araneta Coliseum para suportahan ang D10 concert ni Darren