Rhian Ramos kinilig sa pagsorpresa ni Sam Verzosa sa media launch ng "Where In Manila"

ni GLEN P. SIBONGA


KINILIG ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa media launch ng kanyang bagong lifestyle at travel show sa GMA, ang "Where In Manila," dahil sa sorpresang pagdating ng kanyang boyfriend na si Sam "SV" Verzosa na todo suporta sa kanyang kasintahan.

Madalas kasi na si Rhian ang sumosorpresa kay Sam katulad na lang noong kaarawan ng businessman at public servant. Kaya hindi maiwasang kiligin at maging emosyonal ni Rhian sa biglang pagpasok ni SV sa ballroom ng Winford Resort and Casino nitong February 27, at may bitbit pang bouquet of flowers si Sam para sa kanya.

Ayon nga kay SV, "Gusto ko lang i-surprise si Rhian kasi siya yung laging nagsu-surprise sa akin. Kaya sana na-surprise ka kahit konti."

"Naiiyak ako," sabi naman ni Rhian.

Pagbati pa ni SV, "Congratulations, boo (tawagan nila sa isa't isa), sa iyong bagong show. Sana marami ka pang ma-inspire na mga kababayan natin. At maipakita ang kagandahan ng pinakamamahal naming lungsod ng Maynila."

Ang "Where In Manila," na produced ng TV8 Media, ang papalit sa show ni Sam sa GMA na "Dear SV" tuwing Sabado, 11:30PM. Pansamantala munang hindi mapapanood ang "Dear SV," na nagdiwang ng second anniversary, dahil nga kumakandidato si SV bilang Mayor ng Maynila.

Inamin ni Sam na pinag-isipan nila ng TV8 Media kung itutuloy nila ang "Dear SV" at si Rhian muna ang magho-host. Pero alam naman kasi niya ang hilig ng kanyang girlfriend pagdating sa pagkain, lifestyle at travel. Kaya naman nagdesisyon sila na bigyan na lang ng bagong show si Rhian at nabuo na nga ang "Where In Manila."

Excited nga si Rhian sa muli niyang pagbabalik sa pagho-host ng isang lifestyle at travel show, na nagawa na niya dati sa "Taste Buddies" with Solenn Heussaff.

"I'm so excited to be hosting this show. It's not just going to be a learning experience for our audience pero syempre sa akin din. It's very known naman na I love to travel, I love new experiences, tasting things that I've never eaten before, seeing places that I've never been before. 

"Pero who knew there is so much to be seen and celebrated in our backyard which is Metro Manila. Syempre we're going to call it 'Where In Manila,' but it's actually covering the whole Metro Manila. 

"So much can be found here. Sa mga first shoots pa lang I've been able to have a lot of first time experiences also. I just want to help... to celebrate with our audience what can be found dito mismo sa Pilipinas," paliwanag ni Rhian.

Mapapanood ang "Where In Manila" tuwing Sabado, 11:30PM, sa GMA simula sa March 8.






Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin