Willie Revillame namigay ulit ng P1 milyon sa Wil To Win
ni GLEN P. SIBONGA
NAMIGAY ulit ng P1 milyon si Willie Revillame sa TV5 show niyang Wil To Win courtesy ng sponsor nito na TOP.ph.
Ito na ang pang-apat na grupo na nanalo ng isang milyon sa Willie of Fortune segment ng Wil To Win.
Mahigpit ang laban ng tatlong grupo sa Song Tanong. Kaya nang mag-triple tie sa score na 4 ay nagpasya na si Willie na paglaruin na lang ang tatlong grupo na binubuo ng 12 contestants.
Dalawang colored boxes na lang ang itinira ni Willie na pagpipilian ng grupo - ang Kahel at Ube. Pinili ng grupo ang Kahel, na nagkataon kakulay pa ng TOP.ph.
Matapos umabot ang offer ni Willie sa P200k, pinili pa rin ng grupo ang Kahel na kahon.
Hindi naman sila nagkamali dahil ito ang naglalaman ng isang milyon mula sa TOP.ph.
Nagtalunan, nagsigawan, nagpalakpakan at nag-iyakan sa tuwa hindi lang ang contestants kundi maging ang buong studio dahil sa bagong biyayang isang milyong hatid ng Wil To Win.
Mapapanood ang Wil To Win mula Lunes hanggang Biyernes, 5pm, sa TV5.
Comments
Post a Comment