Ruru, Shaira, Thou, DJ Chacha, Pepita, Rhea Tan pinagkaguluhan sa Beautederm store opening sa SM Sta. Mesa
ni GLEN P. SIBONGA
PINAGKAGULUHAN ng fans at maging ng mall goers ang Beautederm ambassadors na sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Thou Reyes, Pepita Curtis, at DJ Chacha pati na rin si Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan sa ginanap na Beautederm store opening sa SM City Sta. Mesa nitong Linggo, February 23,
Hindi magkamayaw ang fans at supporters ng Beautederm ambassadors na talagang bumili pa ng Beautederm products pati na rin ng affiliate brands nito na Blanc Pro at Belle Dolls para magkaroon ng oportunidad na makasali sa meet and greet para makapagpa-picture kasama ang paborito nilang celebrity ambassadors. Pati nga kay Ms. Rhea ay nagpapa-picture ang fans.
Nangunguna na riyan ang fans ng Lolong stars na sina Ruru at Shaira na sumugod sa SM Sta. Mesa para makita at makasama ang kanilang mga idolo. Talagang nagdala pa sila ng posters, tarpaulin at iba pang visuals at sinamahan pa ng malakas ng hiyawan at palakpakan para ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal kina Ruru at Shaira. Meron pa ngang nagbigay sa dalawa ng mga bulaklak at regalo. Meron din isang fan na nagpapirma pa ng kanyang Lolong t-shirt kay Ruru. Bukod sa mga kabataang fans may mga senior citizens din na nagpa-picture kina Ruru at Shaira.
Ang babait nga ng Beautederm ambassadors dahil pagkatapos ng meet and greet ay pinagbigyan pa nila ang ibang mga taong gustong magpa-picture sa kanila.
Nag-product sample din sila ng bagong Belle Dolls Avocado juice drink, na talaga namang napakasarap at very healthy.
Kasama ang Beautederm SM Sta. Mesa franchisee na si Cherry Lou Calderon, nagpasalamat sila ni Ms. Rhea sa mga taong pumunta at nakisaya sa store opening at meet and greet. Syempre pinasalamatan din nila ang game na game na ambassadors na sina Ruru, Shaira, Thou, Pepita, at DJ Chacha. Kasama rin sa pinasalamatan nila ang officers at staff ng SM Sta. Mesa na present at sinaksihan ang event.
Since 2015 ay gumagamit na ng Beautederm products si Ms. Cherry hanggang sa maging reseller siya at ngayon ay franchisee na siya at may sarili ng Beautederm store. Noong 2023 ay pinarangalan si Ms. Cherry bilang isa sa mga Gold Seller Awardees ng Beautederm. Kaya nagpapasalamat siya sa tulong, gabay at pagmamahal sa kanya ni Ms. Rhea at ng buong Beautederm family.
Comments
Post a Comment