Judy Ann Santos, Rhian Ramos, iba pang celebrities imbitado sa Bakery Fair 2025
ni GLEN P. SIBONGA
EXCITED na ibinalita ni Chris Ah, president ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI), na nag-imbita sila ng celebrity chefs at bakers sa Bakery Fair 2025 na magaganap sa March 6-8 sa World Trade Center.
"Inimbitahan natin si Ai Ai (delas Alas), si Maricar (Reyes), sana si Heart (Evangelista) din. And sana maimbitahan natin ang pinakaseksing baker ngayon na si Rhian Ramos. We have Judy Ann (Santos) also and Marvin (Agustin)," sabi ni sir Chris nang ma-interview namin siya sa presscon ng Bakery Fair 2025 sa Oriental Palace restaurant nitong Pebrero 13.
Magde-demo ba sa baking ang invited celebrities?
"We'll try our best. Baka one of them... we'll invite them to do a short demo with us. And maikuwento naman nila ang experience nila sa baking. Bakit sila pumasok sa baking? Ano ang meron sa baking? Baka pwede silang mag-share ng some tips and also paano magnegosyo," ani sir Chris.
Magsasama-sama sa Bakery Fair 2025 ang mga amateur at professional bakers upang ipamalas at ibahagi ang galing at talento ng Pinoy bakers hindi lang sa ating mga kababayan kundi maging sa mga banyaga at turistang dadalo sa naturang baking extravaganza at biennial event na kilala bilang Philippine's largest and most dynamic bakery industry gathering.
Ang tema ng Bakery Fair 2025 ay Rise & Shine: Baking At Dawn.
Magkakaroon din ng baking competitions kung saan malalaking mga papremyo ang naghihintay sa mga mananalo sa Bakers Cup 2025 gaya ng P150,000 cash para sa 1st place winner ng Wedding Cake Display competition at Trip to Korea para sa 1st place winner ng Croissant Challenge.
Sa mga gustong saksihan at maging bahagi ng Bakery Fair 2025 bukas pa ang FREE registration hanggang February 28 para sa 3-day pass. I-scan lang ang QR code na matatagpuan sa ibaba.
Para sa information at updates tungkol sa Bakery Fair 2025 puntahan lang at i-follow ang social media accounts ng FCBAI.
Comments
Post a Comment