Uninvited: Hindi nakakahiyang mang-imbita nang makakasamang manood; Ron Angeles malaking opportunity na makatrabaho sina Vilma, Nadine, at Aga
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqeIr-SDU20DtMG0pmhJZAI79CQBldwm4Fl4ZKZGm8OlJU1MUnF9eCssha5a1uVpd3rYTnYfClBp3KO60qAM6udJYlSlzKt-uLJYdsNwLvM7-OkF_bF3BLu_fiCeH5Z3MaaqKJaNZs5DG5EEFzotaKGHTdZZRyfLy2x2Eix-IMzrexvSqNCECQ6yKMckEE/s320/IMG_20241228_165950.jpg)
ni GLEN P. SIBONGA NAPANOOD ko na ang Metro Manila Film Festival 2024 entry na " Uninvited " na pinagbibidahan nina Vilma Santos , Nadine Lustre at Aga Muhlach noong unang araw ng showing nito, December 25, sa Gateway Mall Cinema 3. Ang hatol ko ay maganda ang pelikula kaya hindi ka mahihiyang mang-imbita nang makakasamang manood nito. Nagpamalas din ng kahusayan sa pag-arte sina Ate Vi, Nadine, at Aga sa kanilang roles na aminado silang tatlo na first time nilang gampanan. Nakaka-shock ang mga kaganapan sa confrontation nilang tatlo sa climax ng pelikula. Somehow expected ko na yung naging desisyon ni Nadine na gagawin niya kay Aga, pero ang ikinagulat namin ay ang sunod na ginawa ni Ate Vi kay Aga. Big scene at big highlight ito ng pelikula na dapat abangan ng mga hindi pa nakakapanood. Bumilib din ako kay Ron Angeles , na mas malaki na ang role rito sa "Uninvited" kumpara sa una niyang paglabas sa "Mallari" noong MMFF 2023. Ang dalawang pelikula ay p...