Arjo Atayde at Julia Montes bumilib sa isa't isa sa "Topakk"
ni GLEN P. SIBONGA
HAPPY sina Arjo Atayde at Julia Montes na muli silang nagkatrabaho sa pelikulang "Topakk" na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2024. Una silang nagsama sa Kapamilya seryeng "24/7" noong taong 2020.
Kaya naman puno ng papuri sina Arjo at Julia sa isa't isa nang matanong ko sila sa grand mediacon tungkol sa pagsasama nila sa "Topakk." Talaga namang bumilib sila lalo sa isa't isa.
Ayon nga kay Arjo, "Si Julia is always someone who I look forward to working with. Walang arte. Sa action, kahit ano ipagawa sa kanya, she can do it. So, dito sa Topakk she showed her versatility.
"Hindi naman ito yung first time niyang mag-action, but definitely this is different. Pag sinabing iba, mayroon siyang mga ginawang kakaiba rito. Ang galing niya and it really shows sa movie."
Kung ide-describe ni Arjo si Julia in one word, ano ito?
"As a colleague, she is CREATIVE. She surprises me with her creativity. Pag hindi ko siya kaeksena I watch her and she really surprises me with her attacks and creativity," paglalarawan ni Arjo kay Julia.
Siympre tinanong ko rin si Julia ng one word to describe Arjo at ano ang mga kinabiliban niya sa aktor?
"For me, Arjo is BRILLIANT as an actor and as a person," sabi ni Julia. "Sa sobrang galing ni Arjo, sasabay ka lang, makakalusot ka sa eksena.
"With this movie, ang daming ibinigay ni Arjo, hindi lang emosyon, physically ang daming ibinigay ni Arjo. So, dito bagong Arjo ang makikita niyo. Kaya dapat niyong panoorin."
Siyempre ipinagmamalaki rin nina Arjo at Julia ang iba pa nilang mga kasama sa cast na kinabibilangan nina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio De Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan, at Geli Bulaong.
Directed by Richard Somes and produced by Nathan Studios, Fusee and Strawdogs, ang "Topakk" ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa December 25 bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival 2024.
Comments
Post a Comment