Singer-dancer Megan Marie iniidolo si Sarah Geronimo
ni GLEN P. SIBONGA
AMINADO si Megan Marie na isa lang sa mga local artist sa Pilipinas ang iniidolo niya pagdating sa singing at dancing - walang iba kundi si Popstar Royalty Sarah Geronimo.
"Sa local po isa lang po talaga sa singing at dancing, si Sarah Geronimo lang po talaga," sabi ni Megan.
Sa international artists naman ay hinahangaan niya sina Madonna, Thalia, at Selena.
Nakausap namin si Megan pagkatapos niyang mag-perform bilang special guest sa concert ng Magic Voyz sa Viva Cafe noong Nobyembre 29. Kumanta siya ng Britney Spears song. Tapos ay nakasama siya ng Magic Voyz sa paghataw sa trending dance hit na APT. nina Bruno Mars at Rose ng Blackpink.
Ayon kay Megan, bata pa lang siya ay kumakanta at sumasayaw na siya. "Noong bata pa po ako in-enroll ako ng parents ko sa dancing, singing, piano lessons po pati sa violin. Kaya bata pa lang po ako musically inclined na ako."
Kaya nga natutuwa si Megan na nabibigyan siya ng opportunity na ipamalas ang kanyang talento sa tuwing may show at concert ang Magic Voyz.
Happy rin siya sa tinatamasang success ng Magic Voyz, na aniya ay kaibigan niyang lahat kaya imposibleng maging dyowa niya ang isa sa mga miyembro ng grupo.
Thankful si Megan sa manager niyang si Lito de Guzman, na may hawak din sa Magic Voyz.
Samantala, bukod sa galing sa pagpe-perform nakakabilib din si Megan dahil sa dalawang kurso na kinukuha niya - Law sa San Beda at Veterinary Medicine sa La Salle.
Dahil sa hilig niya sa pet animals ay nakapagpatayo na siya ng dalawang animal clinics.
Comments
Post a Comment