Elijah Alejo kahanga-hanga sa edad 20 may sarili ng perfume business
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiHxMauUS2nI_gvlijGNnZPl4x44pI_7qTGOPCfnAaV9wAb3-4fnqIfifIdfJoLYuvh8zRBePj7Q_B-hzQEqgNAJ-2G5k9DI0vJ6ojfyLA1rd2wF0nYhLGF4_xjxhXH5ITh8QpPO3F2yQEod_7X0rdCPFOTiNUH5wntAyerS6sdDjZ4nYtGHIeJlsaSoTAb/s320/IMG_20250210_173902.jpg)
ni GLEN P. SIBONGA KAHANGA-HANGA ang Sparkle GMA Artist Center talent na si Elijah Alejo dahil sa batang edad niyang 20 ay isa na siyang negosyante at mayroon na siyang sariling perfume brand, ang Haliya by Elijah Alejo . Noong Pebrero 8 ay inilunsad na ni Elijah ang Haliya sa F1 Hotel Manila BGC. Excited na humarap sa mga entertainment press at bloggers ang Kapuso actress at sinagot ang mga katanungan tungkol sa kanyang pinasok na business. "Gusto ko na po talagang magkaroon ng business since I was young. Especially po during 'Primadonnas' era po noong nakaka-earn na ako. "Naka-instill po sa akin na hindi naman po always may shows, hindi naman po always may ganap sa showbiz. And as a breadwinner, kailangan ko pong makaisip ng ibang ways para makaipon po. Kaya naisip ko po na mag-business. And eto na nga po ang Haliya by Elijah Alejo," sabi ni Elijah. Inamin pa ng aktres na bago niya napagdesisyunan na pasukin ang perfume business ay naisip niya rin na magkaroo...