Magic Voyz bongga ang pasabog sa Viva Cafe
ni GLEN P. SIBONGA
BONGGANG-BONGGA ang pasabog ng bagong all-male group na Magic Voyz sa kanilang show na ginanap sa Viva Cafe noong Nobyembre 29.
Opening number pa lang ay explosive na ang Magic Voyz sa pagsayaw nila ng sikat at trending na kantang APT. nina Bruno Mars at Rosé ng Blackpink. Lalo pa nang sa huli ay hubarin nila ang kanilang saplot at tanging underwear lang ang itinira kaya tumambad ang kanilang makikisig at magagandang pangangatawan na talaga namang ikinahiyaw sa tuwa ng mga manonood.
Pinatunayan din ng Magic Voyz, na binubuo nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones , Asher Diaz, at Johan Shane, na hindi lang sila good looks, muscles at abs dahil ipinamalas din nila ang kanilang talento sa pagpe-perform at tumodo sa pagkanta at pagsayaw.
Bukod sa group performance nagkaroon din ng solo spots sina Jace (na kumanta ng "All By Myself"), Johan ("All I Ask"), Rave ("Just Once"), at Asher ("Kahit Kailan").
Nagsama-sama naman sina Mhack, Juan, Ian, at Marcia sa pagkanta ng Eraserheads hits, na sinabayan ng audience.
Patok din ang duet version nina Jace at Johan ng kantang "Die With A Smile" nina Bruno Mars at Lady Gaga.
Special guests sa Magic Voyz show sina Mariane Saint, Krista Miller, Meggan Marie, Yda Manzano, Ram Castillo, Jo & Dholynotes.
Samantala, mayroon na silang dalawang singles na nai-release - "Wag Mo Akong Titigan" at "Bintana." Susunod nilang ilalabas ang third single nilang "Tampo."
Mina-manage ang Magic Voyz ng Viva Records at LDG Productions ni Lito De Guzman.
Congratulations, Magic Voyz, sa successful concert! Goodluck, stay humble at galingan niyo pa dahil siguradong sisikat kayo at magtatagal sa industriya. Sa susunod mapapanood na kayong nagko-concert sa mas malaking venue.
Comments
Post a Comment