Posts

Showing posts from September, 2025

McarsPH at Socia sanib-pwersa sa paglunsad ng Elite Agents Platform; Celebrities, rap artists, at influencers dumalo sa grand launch

Image
ni GLEN P. SIBONGA PUNO ng kasiyahan ang McarsPH CEO and founder na si Jed Manalang sa matagumpay na Grand Launch ng McarsPH Elite Agents Platform na ginanap sa Music Box sa Quezon City noong September 26. Nakipagsanib-pwersa ang McarsPH sa Socia , na pinamumunian ni CEO Josh Mojica , upang maka-develop ng online platform na magpapabilis sa pagbili ng sasakyan. Makapagbibigay rin ito ng trabaho at dagdag na kita sa mga kababayan nating interesadong maging agents. Ayon nga kay Sir Jed, "Ang McarsPH ang nangungunang car dealership dito sa Pilipinas na nakakapag-provide ng one day process, same day release, bank approval para sa mga hulugang sasakyan. "Ang kailangan lang nila dito basic lang - two valid IDs, proof of billing, at proof of income. Kailangan lang nilang patunayan na lehitimo sila sa kanilang address at capable silang magbayad ng monthly, at approve na sila sa McarsPH. "Dito sa ini-launch naming platform, ito yung pagkakakitaan na inihahandog namin sa ating m...

Sanya Lopez, Rhea Tan, DJ JhaiHo pinasaya ang mga taga-La Union sa Beautederm meet and greet

Image
ni GLEN P. SIBONGA PINAGKAGULUHAN sina Beautederm ambassadors Sanya Lopez at DJ JhaiHo pati na rin si CEO Rhea Anicoche Tan sa ginanap na meet and greet kasabay ng selebrasyon ng 4th anniversary ng Beautederm branch sa Robinsons Place sa San Fernando City, La Union noong Linggo, September 21. Tuwang-tuwa nga ang Sparkle artist na si Sanya sa mainit na pagtanggap ng mga taga-La Union kaya naman todo-hataw siya sa pagkanta at pag-perform ng kanyang viral hit song na “Hot Maria Clara” sa harap ng Beautederm store. Game na game rin na nakipag-picture-an ang Kapuso actress sa mga tao lalo na yung mga bumili ng Beautederm products. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Sanya sa kanyang social media posts kasama ang pictures at videos ng kanyang Beautederm meet and greet na hinost naman ni DJ JhaiHo. Ayon kay Sanya, "Heart full of gratitude 🩷 Maraming salamat, La Union, at sa lahat ng nag-effort pumunta sa ating meet & greet. To my Beautederm family especially to mommy Rei, thank ...

Rhea Tan nagdiriwang ng Beautederm 16th anniversary; Top sellers binigyan ng all-expense paid trip to Singapore

Image
ni GLEN P. SIBONGA MASAYANG-MASAYA si Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan dahil patuloy na namamayagpag ang kanyang beauty company na kasalukuyang nagdiriwang ng ika-16 anibersaryo. Bahagi ng pagdiriwang na ito ang taunang incentive trip na ibinibigay ni Ms. Rhea sa top sellers at masisipag na franchisees ng Beautederm. Ngayong taon ay napili ni Ms. Rhea bilang incentive destination ang Singapore, kung saan may branch ang Beautederm, na pag-aari ng mabait na mag-asawa at franchisees na sina Michelle at Michael Lusung . Nakasama rin sa trip na ito ang mga kaibigan ni Ms. Rhea, na Beautederm ambassadors at franchisees din - sina Rochelle Barrameda at Maricel Morales . At ilan sa outstanding employees ng Beautederm. Ibinahagi ni Ms. Rhea sa Facebook ang mga larawan ng kanilang Singapore trip kabilang na ang pagpunta nila sa Universal Studios, Marina Bay Sands, at sa Louis Vuitton store, kung saan binigyan niya ng mga regalo mula rito ang top sellers at franchisees. Ayon nga sa...

Sanya Lopez viral “Hot Maria Clara” now has a club mix

Image
FOLLOWING its viral resurgence, Sparkle artist Sanya Lopez ’s 2022 hit “ Hot Maria Clara ” has been given a new life with the release of its official “club mix” version. The party track is now available in digital platforms nationwide. “I am so happy and grateful,” Sanya said. “I didn’t expect that after a few years, the song would click again. I hope the club mix version will make it even more thrilling for the fans.” Sanya attributes the song’s lasting appeal to its powerful message. “For me, a Hot Maria Clara is a woman who has the balance of being conservative and modern,” she explained. “She knows her values, has self-respect, but is also confident enough to express her strength, style, and individuality. I think people can still relate to the song’s message. It’s catchy, empowering, and it fits the vibe of the current generation. Plus, with social media, this type of music quickly resonates.” Looking ahead, Sanya expressed her hopes for her music career. She plans to explore new...

Puksaan Finale ng "Beauty Empire" inaabangan na!

Image
ni GLEN P. SIBONGA NABUBUNYAG na ang mga sikreto mula sa nakaraan sa " Beauty Empire, " kaya walang dapat palampasin ang viewers dahil simula na ng makapigil-hiningang tagpo sa huling tatlong linggo at inaabangang Puksaan Finale ng naturang revenge drama series mula sa GMA Network, Viu Philippines, at CreaZion Studios. Sa pagkakalantad ng itinatagong madilim na lihim ni Eddie ( Sid Lucero ), lalong luminaw ang plano ni Noreen ( Barbie Forteza ) para mapabagsak siya. Kakailanganin niya ang tulong nina Velma ( Ruffa Gutierrez ) at Shari ( Kyline Alcantara ) para maisakatuparan ang kanyang plano. Bagaman puno ng panganib, hindi pwedeng pumalya ang plano ni Noreen. Isang pagkakamali, buhay ang magiging kapalit. Magtatagumpay ba si Noreen, o hudyat ba ito ng mas matinding giyera kay Eddie? Simula sa pilot week nito, patuloy na tinututukan ng manonood ang "Beauty Empire." Number 1 series ito sa Viu Philippines sa magkakasunod na linggo at nananatili rin itong number 1 TV...

Cong. Arjo Atayde pinabulaanan ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa flood control kickback

Image
ni GLEN P. SIBONGA MARIING pinabulaanan ni Congressman Arjo Atayde ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa mga politiko at Department of Public Works and Highways (DPWH) employees, na binanggit ng controversial contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya II , na umano'y nag-solicit ng pera o tumanggap ng kickback mula sa kanyang kumpanya galing sa mga maanomalyang flood control projects. Umalma ang actor-politician, na kasalukuyang nagsisilbi bilang Quezon City District 1 Representative, na isinama siya sa mga pinangalanan ni Curlee Discaya, mister ni Cezarah “Sarah” Discaya , sa Senate Blue Ribbon panel’s third hearing kaugnay ng maanomalyang flood control projects. Ayon kay Arjo, hindi siya nakinabang sa sinumang contractor sa umano'y kickback sa maanomalyang flood control projects. Narito ang naging pahayag ni Arjo sa kanyang Instagram story: “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusa...