Posts

Showing posts from May, 2024

Walang napikon! Gud Morning Kapatid hosts game sa sabuyan ng pulbos

Image
ni GLEN P. SIBONGA LUMABAS man ang pagiging competitive ng " Gud Morning Kapatid " hosts sa bagong game segment ng show na "Palarong Pampasaya," matapang naman nilang hinaharap ang punishment o consequence para sa mga natalo sa game. Wala ngang napikon at game sa sabuyan ng pulbos ang "Gud Morning Kapatid" hosts na sina Dimples Romana, Jes Delos Santos, Justin Quirino, Maoui David, at Chiqui Roa-Puno sa episode ng naturang TV5 morning show nitong Biyernes, May 31. Nagsilbing moderator si Chiqui sa larong Rebus Puzzle: Pinoy Version kung saan huhulaan ng mga host ang lumalabas na mga palaisipang imahe. Naging boys versus girls ang labanan dahil magkakampi sina Dimples at Maoui, habang sina Jes at Justin naman ang teammates. Nanalo ang boys kaya naparusahan ang girls. Ang parusa o consequence ay kailangang isubsob nina Dimples at Maoui ang mukha nila sa plato na may lamang pulbos. Hawak ni Jes ang plato na may pulbos at unang sumabak sa parusa si Dimples. S

Darren nagpapasalamat kay Beautederm CEO Rhea Tan sa walang sawang suporta

Image
ni GLEN P. SIBONGA PUNO ng pasasalamat si Darren Espanto kay Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan dahil sa walang sawa nitong pagsuporta sa kanya lalo na sa career niya. "I love you, Mommy Rei (Rhea)! Thank you sa support po palagi," mensahe ni Darren kay Ms. Rhea nang makausap namin siya kamakailan. Kabilang ang Beautederm at si Ms. Rhea sa mga pinasalamatan ni Darren sa kanyang birthday celebration kamakailan sa "It's Showtime." Ang bongga ng birthday cake na ipinadala ng Beautederm sa Kapamilya singer-actor-TV host. Plus may unlimited pakape at drinks pa mula sa Beaute Beanery, na isa rin sa mga negosyo ni Ms. Rhea. Malaking suporta rin ang ibinibigay ng Beautederm at ni Ms. Rhea sa upcoming tenth anniversary concert ni Darren, ang D10, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa June 1. Mula sa mediacon hanggang sa araw ng concert ay tuloy-tuloy ang suporta ng Beautederm. Buong Beautederm family kasama ang ambassadors, franchisees, family and friends ay susugod sa Ar

WRIVE nagpakitang-gilas sa "It's Showtime;" Kim, Darren at Ryan na-proud; Fans todo-suporta

Image
ni GLEN P. SIBONGA NAGPAKITANG-GILAS sa pagkanta at pagsayaw sa " It's Showtime " ang bagong P-Pop group na WRIVE , nang i-perform nila sa show ang kanilang first single na "Hollywood." Ang WRIVE ay binubuo ng mga dating contestants ng Kapamilya reality show na "Dream Maker: The Search for the Next Global Pop Group" - sina Drei, Ishiro, Russu, Asi, at Matthew . Hindi nga sila makapaniwala na natupad din ang pangarap nilang maging miyembro ng isang grupo matapos hindi mapabilang sa mga nanalo sa "Dream Maker" na kilala ngayon bilang Hori7on, na binubuo nina Jeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim, at Winston. Kaya naman na-proud sa WRIVE ang It's Showtime hosts na sina Kim Chiu, Ryan Bang, at Darren Espanto. Naging hosts ng "Dream Maker" sina Kim at Ryan, habang kabilang naman sa mga naging hurado at mentor si Darren. Ayon nga kay Kim, "Grabe, nakaka-proud! Nagkaroon kayo ng sarili niyong grupo. Congratulations!" To

Diwata tinanong ng Korean vlogger na si Pancake kung balak magtayo ng Paresan sa Korea

Image
ni GLEN P. SIBONGA CONFIDENT si Diwata na sinagot ang tanong ng Korean vlogger na si Pancake kung may balak ba siyang magtayo ng negosyo niyang Paresan sa Korea. Ayon kay Diwata, "Sure why not, di ba? Kung mabigyan ako ng pagkakataon na magtayo doon, bakit hindi, di ba? Para matikman naman ng mga Koreano kung gaano kasarap ang Diwata Pares Overload." Ito ang naging tugon ni Diwata sa interview ni Pancake na napanood namin sa Facebook page ng vlogger na si YT MAN PH. Nag-post din si Pancake ng kanyang interview kay Diwata sa FB page niya na Pancake Show. Matagumpay ang pagbubukas ni Diwata ng bagong branch ng kanyang Paresan sa Quezon City kamakailan.

Beautederm CEO Rhea Tan ipinakilala si Jeraldine Blackman bilang bagong endorser; Inanunsiyo rin ang partnership with Bb. Pilipinas

Image
ni GLEN P. SIBONGA MASAYANG ipinakilala ng Beautederm CEO at founder na si Rhea Anicoche Tan ang bagong endorser ng Beautéderm noong May 22 sa Beautederm Headquarters sa Angeles City. Sa naganap na event, si Jeraldine Blackman ang pinangalanang bagong ambassador ng brand. Sabi ni Ms. Rhea, na nagsimula sa beauty industry noong 2009, makatutulong ang collaboration na ito sa pagpapalawak ng reach ng Beautéderm, dahil na rin sa global influence ni Jeraldine. “We’re both Ilocanas. We share the same love for family, and we both honor our roots. Jeraldine is an inspiration especially to women. She’s authentic that’s why people love her,” saad ni Ms. Rhea.  “Jeraldine marks Beautéderm’s 15th anniversary. She’s the perfect influencer to do it. But it’s just the beginning. We will announce more surprises soon as part of this big milestone. We thank our consumers for their loyalty and support,” dagdag pa ng skincare executive. Inihayag naman ni Jeraldine ang kanyang paghanga sa business magn

Brilliant Skin Essentials goes to Boracay kasama ang brand endorsers na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri

Image
ni GLEN P. SIBONGA NAG-HOST ng Summer event ang Brilliant Skin Essentials sa Boracay Island noong May 19, 2024, kung saan ipinakilala nito ang kanilang bagong ambassador at bagong product line. Pinangunahan ng CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc., na si Miss Glenda dela Cruz ang nasabing event kung saan nagpasalamat siya at ibinahagi ang excitement sa mga bagong plano ng BSE.  “Welcome to Brilliant Summer and sobrang nao-overwhelm ako, wala na ako masabi. Thank you din sa team for making this possible. Sabi nga nila may mga nagko-comment, 'Ms. Glenda, hindi na summer pero sa atin summer na summer pa rin,'” pahayag niya.  Si Miss Glenda ay nag-imbita ng mahigit 300 na bisita—franchisees at distributors—all-expenses-paid para siguradong ma-enjoy nila ang event. Isa ang Brilliant Skin endorser at bagong renew ng kanyang kontrata sa brand na si Andrea Brillantes , sa mga dumalo sa festivities at nag-perform sa stage kasama si Kyle Echarri  - na bagong ambassado ng Brilliant Sk

Darren may pasabog sa D10 concert niya sa Araneta Coliseum

Image
ni GLEN P. SIBONGA ALL-OUT PERFORMANCES at star studded guests ang dala ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren para sa kanyang 10th anniversary concert na “ D10 ” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hunyo 1 (Sabado).   Makakasama nya ang ilan sa mga mang-aawit na naging malaki ang papel sa naging journey niya siya showbiz. Kabilang dito sina Gary Valenciano , Sarah Geronimo , Ogie Alcasid , Erik Santos , Lyca Gairanod , at Vice Ganda .   Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang “The Voice Kids” journey, nagpasalamat si Darren sa iba’t ibang oportunidad na nagbukas para sa kanya upang ipamalas ang talento bilang singer at aktor.   “I feel like it's been such a long time since The Voice Kids but at the same time, it feels like it's been such a quick journey as well. But when I look back on everything I’ve done, parang grabe, ang dami na nangyari sa buhay ko, sa career ko and I’m just very grateful for everything that has happened in the past 10 years,” saad niya.   Samantala, inilunsad di

Kelvin Miranda at Kira Balinger nag-enjoy sa pagsasama nila sa "Chances Are, You And I"

Image
ni GLEN P. SIBONGA AMINADO sina Kelvin Miranda at Kira Balinger na nag-enjoy sila sa kanilang pagsasama at pagtatrabaho sa pinagbibidahan nilang pelikulang " Chances Are, You And I ." Kaya naman puno ng papuri at pasasalamat sa isa't isa sina Kelvin at Kira nang ma-interview ko sila sa grand mediacon ng movie nila. "Magaling siyang aktres at generous," papuri ni Kelvin kay Kira. "Mayroon siya yung tinatawag na respect sa kung anuman yung kailangan niyong gawin bilang co-actors. Mahal niya yung craft niya. Thankful ako na nakatrabaho ko si Kira." "Masaya katrabaho si Kelvin," sabi naman ni Kira. "It's so easy to work with him kasi napaka-dedicated niyang actor. He's very generous. And minsan tinutulungan din niya ako sa mga scenes ko na nakikita niyang nahihirapan ako. So, I'm very grateful." Natutuwa ako para Kelvin at Kira dahil nabigyan na sila ng big break para maging bida sa pelikula. Noon pa man ay nakitaan ko na

Andrea Brillantes may bagong pasabog sa "High Street"

Image
ni GLEN P. SIBONGA NAGBABALIK  si  Andrea Brillantes  kasama  ang iba pang mga bida ng “ Senior High ” para sa season two ng serye nilang “ High Street ”! Mapapanood na ang “High Street” tampok ang mas kapanapanabik na kwento kasama ang iba pang mga bagong karakter simula Mayo 13 (Lunes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. Masusubaybayan din ang mga episode nito sa iWantTFC 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon. Pagkatapos ng magulong high school life, iikot na ang kwento limang taon makalipas ang Northford High graduation kung saan sasabak na sina Sky (Andrea) at ang kanyang mga kaibigan sa real world bilang mga adult. Sa isang interview, inamin ni Andrea na nape-pressure siyang gawin ang season two ng serye lalo na’t naging matagumpay at minahal ng mga manonood ang “Senior High.” “Excited ako pero may mixed emotions. Kasi ‘pag may part two, laging may pressure to make it better or for it to be as good as the first one,” sabi niya. Kaabang-abang din ang “High Street” dahil

EA, Jelai, Kakai, at DJ JhaiHo pinasaya ang 6th anniversary ng Beautederm Singapore

Image
ni GLEN P. SIBONGA TUWANG-TUWA si Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan pati ang mag-asawang Beautederm franchisees na sina Michael at Michelle Lusung sa malaking tagumpay ng selebrasyon ng 6th anniversary ng Beautederm Singapore nitong May 5 sa Orchard Road Lucky Plaza kung saan naging special guests ang Beautederm ambassadors na sina EA Guzman, Jelai Andres, Kakai Bautista, at DJ JhaiHo . Dumagsa ang maraming mga Pinoy sa Singapore sa Lucky Plaza para makisaya sa anibersaryo at makita sina EA, Jelai, Kakai, at DJ JhaiHo, na talaga namang naging emosyonal at naiyak sa mainit na pagtanggap at pagmamahal sa kanila ng mga Pinoy roon. Kaya naman lalo silang na-inspire para mas pasayahin ang mga tao. Game rin silang makipag-picturan sa mga gustong mag-selfie at magpakuha ng mga larawan. Maging si Ms. Rhea ay hindi napigilang maiyak sa kasiyahan. Pasasalamat nga niya sa kanyang post sa Facebook, "Maraming  Salamat po  @beautedermcorporation SINGAPORE!! Nakakaiyak ang pagmam