Kelvin Miranda at Kira Balinger nag-enjoy sa pagsasama nila sa "Chances Are, You And I"

ni GLEN P. SIBONGA


AMINADO sina Kelvin Miranda at Kira Balinger na nag-enjoy sila sa kanilang pagsasama at pagtatrabaho sa pinagbibidahan nilang pelikulang "Chances Are, You And I."

Kaya naman puno ng papuri at pasasalamat sa isa't isa sina Kelvin at Kira nang ma-interview ko sila sa grand mediacon ng movie nila.

"Magaling siyang aktres at generous," papuri ni Kelvin kay Kira. "Mayroon siya yung tinatawag na respect sa kung anuman yung kailangan niyong gawin bilang co-actors. Mahal niya yung craft niya. Thankful ako na nakatrabaho ko si Kira."

"Masaya katrabaho si Kelvin," sabi naman ni Kira. "It's so easy to work with him kasi napaka-dedicated niyang actor. He's very generous. And minsan tinutulungan din niya ako sa mga scenes ko na nakikita niyang nahihirapan ako. So, I'm very grateful."

Natutuwa ako para Kelvin at Kira dahil nabigyan na sila ng big break para maging bida sa pelikula. Noon pa man ay nakitaan ko na sila ng malaking potensiyal para mapabilang sa big stars sa Philippine showbiz.

Bukod kina Kelvin at Kira, kasama rin sa cast sina Jin Ho Bae, Tart Carlos, Anne Feo, Gian Magdangal, at Al Tantay. 

Directed by Catherine Camarillo and produced by Pocket Media Productions in cooperation with Happy Infinite Productions, ang "Chances Are, You And I" ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa May 29, 2024. Ang Regal Entertainment Inc. ang magre-release at magdi-distribute ng pelikula.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies