EA, Jelai, Kakai, at DJ JhaiHo pinasaya ang 6th anniversary ng Beautederm Singapore

ni GLEN P. SIBONGA


TUWANG-TUWA si Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan pati ang mag-asawang Beautederm franchisees na sina Michael at Michelle Lusung sa malaking tagumpay ng selebrasyon ng 6th anniversary ng Beautederm Singapore nitong May 5 sa Orchard Road Lucky Plaza kung saan naging special guests ang Beautederm ambassadors na sina EA Guzman, Jelai Andres, Kakai Bautista, at DJ JhaiHo.

Dumagsa ang maraming mga Pinoy sa Singapore sa Lucky Plaza para makisaya sa anibersaryo at makita sina EA, Jelai, Kakai, at DJ JhaiHo, na talaga namang naging emosyonal at naiyak sa mainit na pagtanggap at pagmamahal sa kanila ng mga Pinoy roon. Kaya naman lalo silang na-inspire para mas pasayahin ang mga tao. Game rin silang makipag-picturan sa mga gustong mag-selfie at magpakuha ng mga larawan.

Maging si Ms. Rhea ay hindi napigilang maiyak sa kasiyahan. Pasasalamat nga niya sa kanyang post sa Facebook, "Maraming  Salamat po 
@beautedermcorporation SINGAPORE!! Nakakaiyak ang pagmamahal!! 🥺😭🙏🙏Happy 6th Anmiversary!!"

Thankful din ang franchisee na si Michelle na umabot na sa anim na taon ang negosyong pinasok nila ng mister niyang si Michael. 

Ayon kay Michelle sa kanyang FB post, "Happy 6th year Annniversary Beautederm Singapore Lucky Plaza!🎉

 "All glory and thanks to You, Lord, for blessing us with this business.🙌🏻

"Forever grateful to our kind-hearted CEO Rei Anicoche Tan, Beautederm Family, BeauteMagic Family, Ambassadors, Resellers, Friends, SG Family, and most of all, to all our Beautedermbabies clients who have trusted us since Day 1. 🙏❤️"

Bukod sa Beautederm Singapore, ang mag-asawang Michelle at Michael ay may tatlo pang Beautederm stores dito sa Pilipinas sa Newpoint Mall sa Angeles City, Pampanga; SM Fairview; at SM North Edsa.








Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies