Brilliant Skin Essentials goes to Boracay kasama ang brand endorsers na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri

ni GLEN P. SIBONGA


NAG-HOST ng Summer event ang Brilliant Skin Essentials sa Boracay Island noong May 19, 2024, kung saan ipinakilala nito ang kanilang bagong ambassador at bagong product line.

Pinangunahan ng CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc., na si Miss Glenda dela Cruz ang nasabing event kung saan nagpasalamat siya at ibinahagi ang excitement sa mga bagong plano ng BSE. 

“Welcome to Brilliant Summer and sobrang nao-overwhelm ako, wala na ako masabi. Thank you din sa team for making this possible. Sabi nga nila may mga nagko-comment, 'Ms. Glenda, hindi na summer pero sa atin summer na summer pa rin,'” pahayag niya. 

Si Miss Glenda ay nag-imbita ng mahigit 300 na bisita—franchisees at distributors—all-expenses-paid para siguradong ma-enjoy nila ang event.

Isa ang Brilliant Skin endorser at bagong renew ng kanyang kontrata sa brand na si Andrea Brillantes, sa mga dumalo sa festivities at nag-perform sa stage kasama si Kyle Echarri - na bagong ambassado ng Brilliant Skin.

Nang tanungin si Andrea tungkol sa favorite part niya bilang brand endorser, sinabi ni Andrea, “Ang favorite part ko siyempre, ‘yung pinaka importante– effective po talaga ang products ng Brilliant Skin. Masasabi ko ito dahil user po ako simula 15 years old pa lang ako.”

“Ramdam ko naman din ‘yun. I feel like masasabi din ni Blythe, ‘yung paborito niyang part, para kayong pamilya talaga,” dagdag ni Kyle.

Isa sa mga highlights ng event ay ang introduction at pagpirma ng kontrata ni Kyle Echarri para maging opisyal na part ng Brilliant Skin Family. Pinahayag niya ang kaniyang pasasalamat kay Miss Glenda at sa Brilliant team, "Maraming salamat po sa Brilliant family ko. I love you all. Sana matagal pa nga po tayo. I’m so grateful and so blessed to be part of the family."

Tatlong pangunahing produkto ang inilunsad sa event: Brilliant Sun Professional Sunscreen para sa best summer glow; Hello Melo Drinks, isang beauty drink na may collagen, Gluta, L-Carnitine, Vitamin C, at iba pang minerals; at Hyper Hydra Pressed Powder na may SPF 50 para sa flawless at healthy-looking na balat. Available ito sa apat na shades: Natural, Light, Warm, at Universal. Ang Natural, para sa neutral skin tones at morena skin. Ang Light ay ideal para sa fair skin, na nagbibigay ng flawless at weightless finish. Ang Warm ay bagay para sa post-beach skin. Ang Universal naman ay umaangkop sa karamihan ng skin tones, nagbibigay ng comfortable, all-in-one solution.

Dito rin kinilala ng brand ang kanilang top city/municipality, district, at provincial distributors, pati na rin ang kanilang top provincial at regional franchisees para sa first quarter ng 2024.

Dagdag saya sa nasabing event paraffle ng iba’t ibang prizes: Jisu Life Hand Held Fan Pro 1S, isang TCL UHD 55-inch Smart TV, isang iPhone 15 Pro, at cash prizes.

Nagtapos ang event ng Brilliant Skin Essentials kasama sina Andrea at ang bagong ambassador na si Kyle at pormal na inanunsyo ang mga bago at exciting na line-up ng kanilang produkto  na siguradong aabangan ng market. 

Para sa karagdagang updates sa event, sundan ang official hashtags #BrilliantSummer at #BrilliantSkinEssentials. Para sa karagdagang detalye tungkol sa brand, sundan at i-check si @missglenda sa Facebook, TikTok, at Instagram.










Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies