WRIVE nagpakitang-gilas sa "It's Showtime;" Kim, Darren at Ryan na-proud; Fans todo-suporta
ni GLEN P. SIBONGA
NAGPAKITANG-GILAS sa pagkanta at pagsayaw sa "It's Showtime" ang bagong P-Pop group na WRIVE, nang i-perform nila sa show ang kanilang first single na "Hollywood."
Ang WRIVE ay binubuo ng mga dating contestants ng Kapamilya reality show na "Dream Maker: The Search for the Next Global Pop Group" - sina Drei, Ishiro, Russu, Asi, at Matthew.
Hindi nga sila makapaniwala na natupad din ang pangarap nilang maging miyembro ng isang grupo matapos hindi mapabilang sa mga nanalo sa "Dream Maker" na kilala ngayon bilang Hori7on, na binubuo nina Jeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim, at Winston.
Kaya naman na-proud sa WRIVE ang It's Showtime hosts na sina Kim Chiu, Ryan Bang, at Darren Espanto. Naging hosts ng "Dream Maker" sina Kim at Ryan, habang kabilang naman sa mga naging hurado at mentor si Darren.
Ayon nga kay Kim, "Grabe, nakaka-proud! Nagkaroon kayo ng sarili niyong grupo. Congratulations!"
Todo-suporta rin ang fans ng WRIVE pati na ang supporters ng bawat miyembro na dumagsa sa "It's Showtime" para pumalakpak, humiyaw at i-cheer ang kanilang mga idolo.
Comments
Post a Comment