Darren nagpapasalamat kay Beautederm CEO Rhea Tan sa walang sawang suporta

ni GLEN P. SIBONGA


PUNO ng pasasalamat si Darren Espanto kay Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan dahil sa walang sawa nitong pagsuporta sa kanya lalo na sa career niya.

"I love you, Mommy Rei (Rhea)! Thank you sa support po palagi," mensahe ni Darren kay Ms. Rhea nang makausap namin siya kamakailan.

Kabilang ang Beautederm at si Ms. Rhea sa mga pinasalamatan ni Darren sa kanyang birthday celebration kamakailan sa "It's Showtime." Ang bongga ng birthday cake na ipinadala ng Beautederm sa Kapamilya singer-actor-TV host. Plus may unlimited pakape at drinks pa mula sa Beaute Beanery, na isa rin sa mga negosyo ni Ms. Rhea.

Malaking suporta rin ang ibinibigay ng Beautederm at ni Ms. Rhea sa upcoming tenth anniversary concert ni Darren, ang D10, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa June 1. Mula sa mediacon hanggang sa araw ng concert ay tuloy-tuloy ang suporta ng Beautederm. Buong Beautederm family kasama ang ambassadors, franchisees, family and friends ay susugod sa Araneta Coliseum para manood ng D10 concert at i-cheer si Darren.

Ayon kay Ms. Rhea, hindi nakakahinayang suportahan si Darren dahil napakabait at napakasipag na endorser nito simula nang i-launch bilang Beautederm ambassador noong March 2020. Kaya dapat lang na ginagantimpalaan ang loyal endorsers gaya ni Darren.

Mensahe nga ni Ms. Rhea sa nakaraang birthday ni Darren, "Happy happy birthday sa napakabait , sweet at talented kong anak. Bonus, masipag magpost na Ambassador ko! Ahahaha love you nak @darrenespanto !!  Keep shining, my son! 

"Ooppss See you all on June 1 sa D10 concert !! Buy your tickets now!! ❤️"

Laging pino-promote ni Darren ang Beautederm sa kanyang social media accounts. Idagdag pa ang madalas na pagbati kay Ms. Rhea at sa Beautederm sa mga kinabibilangan niyang shows na "It's Showtime" at "ASAP Natin 'To."

Special guests ni Darren sa D10 concert niya sina Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Ogie Alcasid, Erik Santos, Lyca Gairanod, at Vice Ganda.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies