Walang napikon! Gud Morning Kapatid hosts game sa sabuyan ng pulbos
ni GLEN P. SIBONGA
LUMABAS man ang pagiging competitive ng "Gud Morning Kapatid" hosts sa bagong game segment ng show na "Palarong Pampasaya," matapang naman nilang hinaharap ang punishment o consequence para sa mga natalo sa game.
Wala ngang napikon at game sa sabuyan ng pulbos ang "Gud Morning Kapatid" hosts na sina Dimples Romana, Jes Delos Santos, Justin Quirino, Maoui David, at Chiqui Roa-Puno sa episode ng naturang TV5 morning show nitong Biyernes, May 31.
Nagsilbing moderator si Chiqui sa larong Rebus Puzzle: Pinoy Version kung saan huhulaan ng mga host ang lumalabas na mga palaisipang imahe. Naging boys versus girls ang labanan dahil magkakampi sina Dimples at Maoui, habang sina Jes at Justin naman ang teammates.
Nanalo ang boys kaya naparusahan ang girls. Ang parusa o consequence ay kailangang isubsob nina Dimples at Maoui ang mukha nila sa plato na may lamang pulbos.
Hawak ni Jes ang plato na may pulbos at unang sumabak sa parusa si Dimples. Sabi pa ng actress-TV host, "Akala mo hindi ko kaya!" Tapos ay agad na isinubsob niya ang mukha sa pulbos. Ang cute ni Dimples na puno ng pulbos ang mukha.
Maingat naman si Maoui sa pagsubsob ng mukha niya sa pulbos kaya hindi masyadong nalagyan ang mukha niya.
Sabi pa ni Maoui, "Ganito pala ang pakiramdam ng espasol!"
Biro tuloy ni Dimples, "Hindi pa nga yan. Gusto mo talaga?"
Pagkatapos ay nagkatuwaan nang nagpunasan at nagsabuyan ng pulbos ang mga host. At napuno ng tawanan, tilian, at halakhakan ang studio.
Kaaliw lang mapanood ang competitive pero fun side ng mga host. Kaya magandang addition talaga sa show ang Palarong Pampasaya dahil napapasaya talaga nito hindi lang ang mga manonood kundi pati mga host. Nabibigyan din nila ng ideas ang mga manonood sa kung ano ang games na pwede nilang gawin lalo na sa mga party at events.
Mapapanood ang "Gud Morning Kapatid" mula Lunes hanggang Biyernes ng umaga, 9 AM, sa TV5.
Comments
Post a Comment