Birthday celeb-REI-tion ni Beautederm CEO Rhea Tan star-studded; Bea Alonzo at Lolit Solis nagkabati sa party
ni GLEN P. SIBONGA
Star-studded ang birthday celeb-REI-tion ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na ginanap sa main ballroom ng Luxent Hotel noong Nobyembre 25 dahil sa pagdalo ng karamihan sa celebrity ambassadors, endorsers at influencers ng Beautederm.
Kabilang sa Beautederm babies na bumati at sumorpresa sa kaarawan ni Ms. Rhea ay sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Enchong Dee, Jane Oineza, Sanya Lopez, Rayver Cruz, Ysabel Ortega, Kakai Bautista, Glydel Mercado, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alex Castro, Sunshine Garcia, Anne Feo, Luke Mejares, Kitkat, Ynez Veneracion, Thia Thomalia, Ervic Vijandre, Darla Sauler, Gillian Vicencio, Thou Reyes, Ryle Santiago, at iba pa. Nagsilbing hosts naman sina DJ JhaiHo at DJ Chacha.
Nakisaya rin sa party ang ilan sa Beautederm franchisees at store owners sa iba't ibang lugar sa Pilipinas gayundin sa Singapore represented by Michael Lusung.
Nagkaroon naman ng group challenges at games sa mga imbitadong press, media at bloggers kung saan hinati sila by colors. Nagwaging grand winner na may premyong P100,000 ang team ng Mustard Yellow na kinabibilangan nina Jojo Panaligan, Albert Bryan, Marinel Cruz, Rose Garcia, Rommel Gonzales, Julie Bonifacio, Blessie Cirera, Beth Gelena, Dina Chan, Melba Llanera, at Glen Sibonga.
Samantala, naging daan din ang birthday party ni Ms. Rhea upang magkabati na si Bea Alonzo at ang veteran columnist-talent nanager na si Lolit Solis. Matatandaang hindi nagkaroon ng magandang relasyon ang dalawa matapos ang mga patutsada ni Manay Lolit kay Bea sa mga panulat nito at maging sa social media.
Pero sa party matapos bumati ni Bea kay Ms. Rhea ay lumapit si Manay Lolit sa aktres. Yumakap at nag-sorry si Manay Lolit kay Bea na sinuklian din nito ng ngiti at yakap.
Tuwang-tuwa naman si Ms. Rhea sa pagbabati ng dalawa na parehong close sa kanya. Aniya pa, ito ang best birthday gift na natanggap niya ng araw na iyon.
Happy birthday ma'am Rei and congratulations sa 14 beaute-ful years ng Beautederm!
Comments
Post a Comment