Posts

Showing posts from November, 2023

Beautederm CEO Rhea Tan nagpasalamat sa celebrity endorsers at media friends na dumalo sa birthday party niya

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagpasalamat ang Beautéderm founder, chairman at CEO na si Rhea Anicoche Tan sa kanyang celebrity endorsers at mga kaibigan sa press dahil matagumpay ang birthday party niya na ginanap sa Luxent Hotel noong November 25.  Present ang mga naglalakihang artista na sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Enchong Dee, Rayver Cruz, Sanya Lopez, Jane Oineza, at Glydel Mercado. Dumalo rin sina Thia Thomalla, Kakai Bautista, Ysabel Ortega, Thou Reyes, DJ JhaiHo, DJ Cha Cha, KitKat, Ynez Veneracion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, VG Alex Castro, Sunshine Garcia, Anne Feo, Coun. Ervic Vijandre, Darla Sauler, Sherilyn Reyes-Tan, Ryle Santiago, Gillian Vicencio at Luke Mejares na nagpahayag ng kanilang pagmamahal kay Ms. Rhea. “My heart is full. I am so blessed to have such precious friends, family, and colleagues. They really made my day special,” kuwento ng business magnate. Malaki rin ang pasasalamat ni Ms. Rhea sa mga miyembro ng media. Pahayag niya, “It's

mWell launches mWell HealthHub, revolutionizing health and wellness access for Filipinos

Image
by GLEN P. SIBONGA mWell, a subsidiary of Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), is revolutionizing health and wellness access in the Philippines with the launch of mWell HealthHub. This innovative in-app feature allows users to easily search for a wide range of health and wellness services, filter results by location, and book appointments with just a few taps. With mWell HealthHub, Filipinos now have the power to take control of their overall well-being with the assurance of quality care, all through a single, user-friendly platform. Since its launch in October 2022, mWell has been at the forefront of digital healthcare solutions in the Philippines. Continuing its mission to provide easy access to comprehensive health and wellness services, mWell HealthHub is a significant step towards empowering individuals and inspiring healthier happier lives. Manuel V. Pangilinan, MPIC Chairman, President, and CEO, shares, "Our mission with mWell HealthHub goes beyond innovation; it i

Birthday celeb-REI-tion ni Beautederm CEO Rhea Tan star-studded; Bea Alonzo at Lolit Solis nagkabati sa party

Image
ni GLEN P. SIBONGA Star-studded ang birthday celeb-REI-tion ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na ginanap sa main ballroom ng Luxent Hotel noong Nobyembre 25 dahil sa pagdalo ng karamihan sa celebrity ambassadors, endorsers at influencers ng Beautederm. Kabilang sa Beautederm babies na bumati at sumorpresa sa kaarawan ni Ms. Rhea ay sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Enchong Dee, Jane Oineza, Sanya Lopez, Rayver Cruz, Ysabel Ortega, Kakai Bautista, Glydel Mercado, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alex Castro, Sunshine Garcia, Anne Feo, Luke Mejares, Kitkat, Ynez Veneracion, Thia Thomalia, Ervic Vijandre, Darla Sauler, Gillian Vicencio, Thou Reyes, Ryle Santiago, at iba pa. Nagsilbing hosts naman sina DJ JhaiHo at DJ Chacha. Nakisaya rin sa party ang ilan sa Beautederm franchisees at store owners sa iba't ibang lugar sa Pilipinas gayundin sa Singapore represented by Michael Lusung. Nagkaroon naman ng group challenges at games sa mga imbitadong

Star Pop inilunsad ang bagong boy group na 1621BC

Image
ni GLEN P. SIBONGA Opisyal nang ipinakilala ng Kapamilya record label na Star Pop ang kanilang kauna-unahang boy band sa P-pop scene na binuo at pinangalanang 1621BC at kasabay nito ang paglabas ng unang single ng grupo na “Laruan.” Binubuo ang 1621BC ng mga miyembro na sina Pan, Win, Migz, DJ, JM, at JC. Nabuo ang pangalan ng grupo mula sa numerong 1621 na isang angel manifestation number na nagpapahiwatig ng pag-abot sa mga pangarap habang nagmula naman ang BC sa katagang Beyond Complete, na ang ibig sabihin ay lagi nilang hangad ang perfection sa kanilang mga ginagawa. “Being a new boy band in the P-pop scene, we only have one goal and that is to introduce our songs and music that will make everyone cry, smile, celebrate, dance and sing like it used to be before,” saad ng grupo. Sa awitin na “Laruan,” binigyang diin nila ang epekto ng toxic relationship sa henerasyon ngayon. Isinulat at iprinodyus ni ALAS ang awitin na sumasalamin sa makulay na boses ng 1621BC. “Sa generation namin

LA Santos nagpapasalamat sa paggabay nina Maricel, Roderick at Direk FM sa "In His Mother's Eyes"

Image
ni GLEN P. SIBONGA Puring-puri ng mga nakapanood ng trailer ng pelikulang "In His Mother's Eyes" ang aktor na si LA Santos sa pagganap niya bilang special child at maging ang co-actors niya ay sinasabing rebelasyon ang pag-arte niya sa pelikula. Kaya naman si LA ay masayang-masaya at puno ng pasasalamat sa lahat ng mga pumupuri sa kanya. Espesyal naman ang pasasalamat niya sa kanyang mga kasamahan at katrabaho sa pelikula sa paggabay sa kanya lalong-lalo na sina Maricel Soriano, Roderick Paulate, at ng direktor nilang si FM Reyes. "Thank you, thank you 1,000 times, iyan po ang masasabi ko sa kanila. Syempre gusto kong pasalamatan yung mga naging supportive sa akin, of course, sina Tita Maricel, Tito Roderick, at syempre yung direktor ko po si Direk FM Reyes. Hindi po nila ako pinabayaan. "Kaya po kayo nagagalingan sa akin kasi ginabayan po nila akong lahat. Nakinig lang po ako, tapos sila na po, inilabas po nila yung galing ko," pahayag ni LA nang makausap

Singer-songwriter Penelope ibinibida ang kanyang transformation bilang solo PPop Idol

Image
ni GLEN P. SIBONGA Ibinibida ng singer-songwriter na si Penelope ang kanyang transformation mula sa pagiging acoustic artist hanggang sa ngayo'y pagiging solo PPop Idol sa pamamagitan ng bago niyang album na "New Era" under FlipMusic Records. Ngayong Biyernes, Nobyembre 17, ay ni-release na ang bagong awitin niyang "Ako'y Sa 'Yo," na bahagi ng kanyang "New Era" album. Susunod namang ilalabas ang "Di Ka Nag-iisa" sa Disyembre 8, at ang "Differences" sa Disyembre 15. Nagpakitang-gilas nga si Penelope sa media launch na inorganisa ng FlipMusic at ginanap sa HHM Studio sa Kapitolyo, Pasig noong Nobyembre 14. Dito ay nasaksihan namin ang kanyang musical journey mula nang madiskubre siya ng FlipMusic Records noong 2019 at ilabas ang kanyang debut single bilang acoustic artist, ang "Tag-ulan" na naging popular sa iba't ibang music platforms. Sinundan ito ng "Sulyap" at iba pang kanta. Mula sa acoustic pop ay

"Dear SV" ni Sam Verzosa mapapanood na sa GMA sa Nobyembre 18

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nakatagpo na ng bagong tahanan ang public service program na "Dear SV" ngayong mapapanood na ito sa GMA simula sa Nobyembre 18. Kaya naman masayang-masaya ang host nito na si Tutok to Win Party-List Representative Sam Verzosa at nagpapasalamat siya sa GMA Network. "I'm so grateful to my first home network for giving me the opportunity to venture into TV hosting," sabi ni Sam. Excited din siya ngayong Kapuso na siya. "I'm more excited now with our new home network. This will give us more opportunities to share more inspiring stories to many Filipinos through the network's wider reach." Ipinagmamalaki ni Sam ang "Dear SV" kung saan na-expose siya sa totoong kuwento ng mga ordinaryong Pilipino na hindi nawawalan ng pag-asa at nananatiling matatag sa kabila ng mga hamon at pagsubok na hinaharap sa buhay araw-araw. Isa sa mga unforgettable encounters niya ay sa 86-year old na si Lola Fedeng, na sa kabila ng edad ay nagt

Troy Laureta muling ibinida ang OPM sa kanyang bagong album na "Dalamhati"

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pagmamahal sa Original Pilipino Music ang nagtulak sa Filipino-American musical director, producer at singer na si Troy Laureta kaya naman nabuo niya ang tatlong volumes ng OPM Collective sa kanyang mga album na "Kaibigan," "Giliw," at sa latest album niyang "Dalamhati" under Star Music. "You know I had this dream ever since I was a kid, I’m always into music. I grew up with music. I grew up with Filipino music and I always had this weird thinking ‘Oh my god wouldn't it be cool... I’m doing this all-Western music if the Western singers would do our music? "It was until the pandemic that I was given the opportunity to start this trilogy. It started with 'Kaibigan,' then with my second album 'Giliw,' and now "Dalamhati." It's basically the story of unrequited love. It’s for me, very Filipino. It’s a story of my life and how relationships kinda develop. You go from friends to lovers and then this

Matagumpay na block screening ng "A Very Good Girl" sa Singapore sponsored by Beautederm

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya ang Beautederm franchisee sa Singapore na si Michelle Lansang Lusung pati na ang mister niyang si Michael Lusung dahil sa malaking tagumpay ng ini-sponsor-an ng Beautederm Singapore na block screening doon ng pelikulang "A Very Good Girl" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon. "Super saya lalo na’t nakita naming nag-enjoy ang mga kababayan nating nakapanood at may bitbit pa silang Beautederm products pauwi," sabi sa amin ni Ms. Michelle nang maka-chat namin siya sa Messenger. Talaga namang dinumog ng ating mga kababayan sa Singapore ang block screening na ginanap sa Golden Village sa Plaza Singapura noong October 29, 2023. Nanguna nga sa panonood bilang pagsuporta kay Kathryn ang fans nila ni Daniel Padilla na Kathniel KaDreamers Singapore Chapter. Ikinatuwa rin ni Ms. Michelle na hindi lang mga Pinoy ang nanood sa block screening. "Kahit ibang lahi po, mga locals dito sa Singapore ay may nanood. Nakakatuwa

Miss Universe Philippines 2023 and PLDT Home Ambassador Michelle Marquez Dee recalls her journey to empowerment

Image
by GLEN P. SIBONGA “It felt like forever.”    This is how Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee described the moment when she was announced as the winner last May.   “All you can hope for is that destiny is on your side — and it was on that night of May 13. When they finally called my name, honestly, I just felt like all the hard work paid off. When you’ve dedicated your whole life and everything for that moment to happen, mapapabagsak ka. I actually bent over because of relief, happiness, and gratitude.”   28-year-old Michelle will represent the Philippines at Miss Universe in El Salvador this November.   PLDT Home Ambassador.  She is the finest fit, even PLDT Inc. Chairman Manuel V. Pangilinan himself said upon meeting her, along with the other Miss Universe Philippines queens at a PLDT and Smart exclusive meet-and-greet with executives and employees at Ramon Cojuangco Building in Makati City recently. “We could think of no better woman to proudly bear the flag at this