Beautederm CEO Rhea Tan nagpasalamat sa celebrity endorsers at media friends na dumalo sa birthday party niya
ni GLEN P. SIBONGA
Nagpasalamat ang Beautéderm founder, chairman at CEO na si Rhea Anicoche Tan sa kanyang celebrity endorsers at mga kaibigan sa press dahil matagumpay ang birthday party niya na ginanap sa Luxent Hotel noong November 25.
Present ang mga naglalakihang artista na sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Enchong Dee, Rayver Cruz, Sanya Lopez, Jane Oineza, at Glydel Mercado.
Dumalo rin sina Thia Thomalla, Kakai Bautista, Ysabel Ortega, Thou Reyes, DJ JhaiHo, DJ Cha Cha, KitKat, Ynez Veneracion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, VG Alex Castro, Sunshine Garcia, Anne Feo, Coun. Ervic Vijandre, Darla Sauler, Sherilyn Reyes-Tan, Ryle Santiago, Gillian Vicencio at Luke Mejares na nagpahayag ng kanilang pagmamahal kay Ms. Rhea.
“My heart is full. I am so blessed to have such precious friends, family, and colleagues. They really made my day special,” kuwento ng business magnate.
Malaki rin ang pasasalamat ni Ms. Rhea sa mga miyembro ng media. Pahayag niya, “It's definitely been a birthday to remember. Pagpupugay din ito sa mga kaibigan sa media dahil sa tulong nila sa Beautéderm. I am forever grateful.”
Ang beauty empire ni Ms. Rhea ay patuloy pa ring nagse-celebrate ng 14th anniversary. Pagbibigay halaga ng female entrepreneur sa consumers, “We are a brand that goes beyond what you can see. Beautéderm gives confidence, helps people, and shifts lives. Dahil sa suporta ng consumers, patuloy kaming magpapaganda at magpapabago ng buhay.”
Dumalo rin sa party ang ilang Beautederm franchisees at store owners sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at maging sa Singapore represented by Michael Lusung.
Sa ngayon ay nangunguna pa rin sa merkado ang Beautéderm, na mayroong hangarin na pagandahin sa loob at labas ang bawat Pilipino. Pagmamay-ari rin ni Ms. Rhea ang BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, A-List Avenue, at AKStudios.
Pagtatapos ng Beautéderm chairman, “As we age, we become wiser and better. We also become more aware of our surroundings and the reality that not everyone will applaud us but we should power through anyway. Show them the power of authenticity and humility. And the takeaway in this celebration is that you show up sincerely.”
Bisitahin ang Beautéderm sa social media para sa kanilang deals at discounts. Puwede ring mag-checkout sa Shopee, Lazada, at TikTok. At nananatiling matatag ang Beautéderm stores nationwide.
Comments
Post a Comment