"Dear SV" ni Sam Verzosa mapapanood na sa GMA sa Nobyembre 18
ni GLEN P. SIBONGA
Nakatagpo na ng bagong tahanan ang public service program na "Dear SV" ngayong mapapanood na ito sa GMA simula sa Nobyembre 18.
Kaya naman masayang-masaya ang host nito na si Tutok to Win Party-List Representative Sam Verzosa at nagpapasalamat siya sa GMA Network.
"I'm so grateful to my first home network for giving me the opportunity to venture into TV hosting," sabi ni Sam.
Excited din siya ngayong Kapuso na siya. "I'm more excited now with our new home network. This will give us more opportunities to share more inspiring stories to many Filipinos through the network's wider reach."
Ipinagmamalaki ni Sam ang "Dear SV" kung saan na-expose siya sa totoong kuwento ng mga ordinaryong Pilipino na hindi nawawalan ng pag-asa at nananatiling matatag sa kabila ng mga hamon at pagsubok na hinaharap sa buhay araw-araw.
Isa sa mga unforgettable encounters niya ay sa 86-year old na si Lola Fedeng, na sa kabila ng edad ay nagtatrabaho bilang pedicab driver para sa ikabubuhay ng kanyang pamilya.
"To me, that was really an eye opener. Imagine, Lola Fedeng still works at her old age. She actually represents the majority of Filipinos who belong to the poverty line, but are still working hard to make both ends meet. Her story is really inspiring. That's what we want to share - to inspire more," pagbabahagi niya.
Hindi rin makakalimutan ni Sam ang mga naging karanasan niya sa "Dear SV" na first time niyang ginawa sa kanyang buhay gaya ng pagpedal ng pedicab, paglinis ng isda sa wet market, at iba pa.
"My close encounters with Lola Fedeng, Tatay Rolando, Ronnie, and others have humbled me. Now, I am grateful and content with what I have," ani Sam.
Bukod sa pagiging host at Party-List Representative, si Sam din ang CEO and co-Founder ng Frontrow International, President ng Maserati Philippines, Director for Charity ng Miss Universe Philippines, co-Founder ng Frontrow Cares, at Founder ng Batang Sampaloc Scholarship Foundation Inc.
Sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa buhay, hindi nakakalimutan ni Sam na ituloy ang legacy ng kanyang yumaong ama na naging inspirasyon niya sa ginagawa niyang pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan. Kaya naman tuloy-tuloy lang ang pagbabahagi niya ng blessings sa ibang tao.
"My advocacy is to help the helpless who work hard to improve their standard of living. And that's exactly what 'Dear SV' stands for," pagtatapos ni Sam.
Mapapanood ang "Dear SV" sa GMA tuwing Sabado, 11:30 PM, simula sa Nobyembre 18.
Comments
Post a Comment