Singer-songwriter Penelope ibinibida ang kanyang transformation bilang solo PPop Idol


ni GLEN P. SIBONGA

Ibinibida ng singer-songwriter na si Penelope ang kanyang transformation mula sa pagiging acoustic artist hanggang sa ngayo'y pagiging solo PPop Idol sa pamamagitan ng bago niyang album na "New Era" under FlipMusic Records.

Ngayong Biyernes, Nobyembre 17, ay ni-release na ang bagong awitin niyang "Ako'y Sa 'Yo," na bahagi ng kanyang "New Era" album. Susunod namang ilalabas ang "Di Ka Nag-iisa" sa Disyembre 8, at ang "Differences" sa Disyembre 15.

Nagpakitang-gilas nga si Penelope sa media launch na inorganisa ng FlipMusic at ginanap sa HHM Studio sa Kapitolyo, Pasig noong Nobyembre 14. Dito ay nasaksihan namin ang kanyang musical journey mula nang madiskubre siya ng FlipMusic Records noong 2019 at ilabas ang kanyang debut single bilang acoustic artist, ang "Tag-ulan" na naging popular sa iba't ibang music platforms. Sinundan ito ng "Sulyap" at iba pang kanta.

Mula sa acoustic pop ay sinubukan din ni Penelope na makipag-collaborate at pasukin ang electronic dance music o EDM. Ang EDM collab nila ni Mars Miranda para sa awiting Extra Miles (I Miss You) ay nagbigay sa kanya ng nominasyon na Best Dance/ Electronic Recording sa 36th Awit Awards ngayong taon.

Ngayon ay sumasabak naman si Penelope bilang rising star sa PPop world sa mga bagong awitin niya.

Ayon pa kay Penelope, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong niyang maka-collaborate ang Ben&Ben. Gusto niya ring gawan ng kanta si KZ Tandingan.

Maaaring mapakinggan at i-stream ang mga awitin ni Penelope sa Spotify, iTunes, Apple Music at iba pang music platforms, gayundin sa YouTube channel at social media accounts ng FlipMusic.







Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies