Matagumpay na block screening ng "A Very Good Girl" sa Singapore sponsored by Beautederm


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang-masaya ang Beautederm franchisee sa Singapore na si Michelle Lansang Lusung pati na ang mister niyang si Michael Lusung dahil sa malaking tagumpay ng ini-sponsor-an ng Beautederm Singapore na block screening doon ng pelikulang "A Very Good Girl" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

"Super saya lalo na’t nakita naming nag-enjoy ang mga kababayan nating nakapanood at may bitbit pa silang Beautederm products pauwi," sabi sa amin ni Ms. Michelle nang maka-chat namin siya sa Messenger.

Talaga namang dinumog ng ating mga kababayan sa Singapore ang block screening na ginanap sa Golden Village sa Plaza Singapura noong October 29, 2023.

Nanguna nga sa panonood bilang pagsuporta kay Kathryn ang fans nila ni Daniel Padilla na Kathniel KaDreamers Singapore Chapter.

Ikinatuwa rin ni Ms. Michelle na hindi lang mga Pinoy ang nanood sa block screening. "Kahit ibang lahi po, mga locals dito sa Singapore ay may nanood. Nakakatuwa at nakaka-proud talaga," ani Ms. Michelle.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Ms. Michelle sa lahat ng mga nanood pati na sa ABS-CBN Film Productions at Star Cinema na katuwang nila sa block screening.

Thankful din siya sa iba pang sumuporta na kinabibilangan nina "Sir Jun ng Rated J, Ma'am Yolly, at Ma’am Karen Almeida ng Fil-Com. Of course, I'm truly grateful to our Beautederm CEO Ma’am Rhea Anicoche Tan for the love and support."

Sa Facebook post ni Ms. Michelle ay nagkomento si CEO Rhea ng "kakaproud," na nireplayan naman niya ng "Thank you po Ma’am for the love and support. Praise God."

Bukod sa Beautederm Singapore, ang mag-asawang Michelle at Michael ay may tatlo pang Beautederm stores dito sa Pilipinas sa Newpoint Mall sa Angeles City, Pampanga; SM Fairview; at SM North Edsa.






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies