Posts

Showing posts from June, 2023

Skincare and beauty CEO Rhea Tan proud sa bagong business venture niyang BlancPro at sa endorser nitong si Marian Rivera

Image
ni GLEN P. SIBONGA   Bitbit ang tagumpay ng premium beauty and wellness brand na Beautéderm, ipinakilala sa media at merkado ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang bago niyang kompanya na BlancPro.   Bagong player sa beauty industry, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng Beautéderm at ito ay nag-o-offer ng epektibong skincare products sa mababang halaga na mabibili ng masa. Layunin nito na tulungan ang consumers na mapanatili at ma-improve ang “glow” nila na mayroong tagline na “Glow Like A Pro.”    Naganap ang media launch nitong Huwebes, June 29, sa Luxent Hotel sa Quezon City na sinuportahan ng showbiz media at bloggers.    “BlancPro is tailored to cater to consumers who seek effective yet budget-friendly skincare products. What sets BlancPro apart is its use of quality ingredients, carefully formulated to suit all skin types,” saad ni Ms. Rhea.   Ipinaliwanag ng respetadong negosyante ang commitment ng BlancPro sa inclusivity, simplicity, at affordability. Dito sa bagong

TV5 hosts nationwide viewing party for Kapatid viewers in celebration of TVJ & Dabarkads comeback on TV

Image
The long wait is over for fans of TVJ & Legit Dabarkads as they make their highly anticipated return to TV at their new home starting this Saturday, July 1, from 11:30 a.m. to 2:30 p.m. To celebrate their comeback, TV5 in partnership with Cignal TV, Inc., is organizing a nationwide viewing party inviting fans from Apparri to Jolo to watch the premiere episode together. There will be more than 20 available venues to watch the nationwide viewing party in Cignal TV Inc. Experience and Kiosks, Mall Activity Centers and Barangays in different regions. Venues include the Basco Gym Batanes, Robinson’s Mall Tuguegarao, Robinsons’ Mall Laoag, Brgy. Sapang Bato Covered Court Pampanga, Brgy. Mojon Malolos, Bulacan, SM Sangandaan, Brgy. Western Bicutan Taguig, Sta. Lucia Mall, Cainta, Brgy. 201, Pasay, Robinsons’ Gentri, Cavite, Pavillon Mall at Binan, Laguna, Robinson’s Lipa Batangas, Nuciti Mall at Mindoro, Ayala Mall Legazpi, Bgy. Magapo, San Antonio Evacuation Center Legazpi, SM Mabolo Ceb

"It's Showtime" hindi na mapapanood sa TV5 sa July 1; Eere na sa GTV Channel ng GMA

Image
ni GLEN P. SIBONGA Naglabas ng official statement ang ABS-CBN kaugnay ng Kapamilya noontime show na "It's Showtime" kung saan nakasaad dito na simula sa July 1 ay hindi na ito mapapanood sa TV5 pero nakahanap naman ito ng bagong kapartner sa pag-ere ng show sa GTV channel ng GMA Network. Ayon sa official statement ng ABS-CBN, " Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN kay TV5 Chairman Manny Pangilinan para sa kanyang pagsuporta sa ABS-CBN at sa paghahatid ng 'It’s Showtime' sa mas maraming manonood sa pamamagitan ng aming content partnership.  "Dahil sa bagong programming ng TV5, ikinalulungkot naming ibalita na hindi na mapapanood ang 'It’s Showtime' sa TV5 simula 1 July 2023. "Sa loob ng labing-apat na taon, walang patid na saya ang hatid ng 'It’s Showtime' sa Madlang People sa loob at labas ng bansa. Pinahahalagahan namin ang magandang samahan na nabuo namin sa mga manonood tuwing tanghali. Dahil dito, minabuti naming tanggihan ang

Claudine Barretto, Mariel Rodriguez, Alfred Vargas, at Christian Bautista handa nang mag-host sa 38th Star Awards for Movies sa July 16 sa Manila Hotel

Image
ni GLEN P. SIBONGA   Abala na ang The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) sa paghahanda para sa 38th Star Awards for  Movies na gaganapin sa araw ng Linggo, July 16, 2023 sa Manila Hotel. Magsisilbing hosts ng awards night sina Claudine Barretto, Mariel Rodriguez-Padilla, Quezon City Councilor Alfred Vargas, at Christian Bautista. Si Frank Lloyd Mamaril ang direktor ng gabi ng parangal. Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para sa paghahatid ng modern Filipiniana theme ng naturang awards night. Masayang winelcome ang Gutierez Celebrities & Media Production ng PMPC sa pangunguna ng kasalukuyang Pangulo nito na si Fernan De Guzman. "Gusto naming magpasalamat sa aming bagong producer na si MJ ng Gutierez Celebrities & Media Production sa tiwala na ibinibigay mo sa PMPC. Sana ay maging maayos ang ating awards night para sa 38th Star Awards for Movies," pahayag ni Pangulong De Guzman.

Pinalakas na pagbabalita hatid ng "Güd Morning Kapatid” at aariba pa ang bagong anchors ng "Frontline Pilipinas" sa TV5

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pasasarapin pa ng TV5 ang inyong gising at bubusogin ang inyong umaga simula sa Hunyo 19 dahil sa bagong morning news show ng News5 na “Güd Morning Kapatid," tampok ang bigating news anchors na sina Gretchen Ho, Jes Delos Santos, at Justin Quirino. Handa nang maghatid ang tatlo ng komprehensibong kumbinasyon ng mga current events, trending topics, payo, at nakakaengganyong mga kwento ng tao. Talagang perfect na kasama ng kape tuwing umaga dahil mabubusog ka sa impormasyon at importanteng balita na dapat mong malaman. Mas pinalakas naman ang pagbabalita sa gabi ng dalawang bagong anchors ng News5 na sina KaladKaren at Mikee Reyes sa kanilang main primetime news program na “Frontline Pilipinas.”  Parte ito ng plano ng TV5 para palakasin ang kanilang posisyon bilang go-to source ng mapagkakatiwalaang pamamahayag at in-depth news coverage. Matatandaang nilipat ang schedule ng “Frontline Pilipinas” ng 6:30 p.m. noong Mayo 22 upang makipagsabayan sa ibang network news

Bong Revilla nagpapasalamat sa tumataas na TV ratings ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Tuwang-tuwa si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. dahil wagi na naman sa TV ratings nitong June 11 ang action-comedy series na pinagbibidahan niya sa GMA, ang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.' Ayon sa NUTAM People Ratings data, nakapagtala ang second episode nito ng 13.4 percent na higit na mataas sa rating ng pilot episode na 12.3 percent. Idinaan nga ni Bong sa pag-post sa kanyang official Facebook page ang kanyang pasasalamat. "Maraming salamat pong muli sa mainit na pagtangkilik sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis! 🥰 Dahil po sa inyong walang-bitaw na panonood ay mas tumaas pa po ang rating ng pangalawang episode ng ating show! 😊❤️🎊 "Painit pa po nang painit ang mga eksenang aming pinaghandaan na ipalalabas sa susunod na mga linggo, kaya't asahan nyo pong mas mag-eenjoy pa ang weekends ng buong pamilya!🤗 "Muli, maraming maraming salamat po! Ang tagumpay po ng show na ito ay alay namin sa inyo! 🥰☺️"

Direk Benedict Mique confident na kakabugin ng tambalang GinRi ng 'Monday First Screening' ang mas batang loveteams

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nakatuwaan nina Gina Alajar at Ricky Davao na tawaging GinRi loveteam ang kanilang tambalan sa pelikulang "Monday First Screening" directed by Benedict Mique and produced by NET25 Films. Natanong kasi sila sa presscon ng movie kung ano ang itatawag nila sa kanilang loveteam. Game namang sinagot ni Ricky na, "GinRi (short for Gina and Ricky)" Natawa si Gina noong una at pabiro pang pinalo si Ricky pero pumayag na rin siya kalaunan. Si Direk Benedict naman ay confident sa kanyang sagot nang matanong kung kayang kabugin ng tambalang GinRi ang ibang mas batang loveteams. "Seriously speaking, it's a challenge na maipakita yung love sa pagitan ng senior citizens na ginagampanan ng ating dalawang bida. Pero with the whole cast especially with Direk Gina and Direk Ricky, masasagot ang tanong niyo," sabi ni Direk Benedict. Nagpapasalamat nga kina Gina at Ricky si Direk Benedict pati na rin sina Ma'am Wilma Galvante at Sir Caesar Vallejos

Business couple Michael at Michelle Lusung nagpapasalamat sa suporta at inspirasyong ibinibigay ni Beautederm CEO Rhea Tan

Image
ni GLEN P. SIBONGA Patuloy sa pamamayagpag ang business couple at Beautederm store owners na sina Michael at Michelle Lusung dahil nagbukas na kamakailan ang kanilang ika-apat na Beautederm store na matatagpuan sa SM North Edsa. Naganap noong June 3 ang grand opening ng bagong Beautedem store nina Michael at Michelle sa Lower Ground Level ng SM North Edsa kung saan dumalo ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan kasama ang Beautederm ambassadors na sina Carlo Aquino at Thia Thomalla. Sina Michael at Michelle rin ang owners ng kauna-unahang international store ng Beautederm sa Singapore at mayroon pa silang local stores sa Newpoint Mall sa Angeles City, Pampanga pati sa SM Fairview. Masayang-masaya nga ang mag-asawang Lusung na nadaragdagan ang kanilang Beautederm stores dahil dumarami rin ang kanilang natutulungan at nabibigyan ng trabaho. Malaking blessing ito para sa kanila kaya gusto rin nilang maging blessing sa ibang tao. Ayon nga kay Michael, "Para maging ble

VMX Bellas, VMX V pinainit ang stage ng Viva Cafe

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nasaksihan namin kung paano pinainit ng mga nagseseksihan at naggagandahang miyembro ng all-girl group na VMX Bellas pati na rin ng nagmamachohan at nagguguwapuhang miyembro ng all-boy group na VMX V (FIVE) ang stage ng Viva Cafe sa Cubao, Quezon City nitong Sabado ng gabi, June 3, dahil sa kanilang hot performances. Kahanga-hanga ang husay sa pagkanta at pagsayaw na ipinamalas ng VMX Bellas na binubuo nina Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, Tiffany Grey, Hershie de Leon, at Denise Esteban. Palakpakan at hiyawan ang mga manonood lalo na ang mga kalalakihan sa sexy dance moves ng VMX Bellas. Ipinakita rin ng grupo ang kanilang soft side sa pagkanta ng love song. Hindi naman nagpahuli sa kanilang bonggang dance moves na pangabog sa TikTok pati na rin sa pagkanta ang VMX V na kinabibilangan nina Sean De Guzman, Marco Gomez, Itan Rosales, Mon Mendoza, at Calvin Reyes. Ang VMX sa pangalan ng dalawang grupo ay hango sa Vivamax kung saan bumibida sa naturang online streami

Carlo Aquino, Thia Thomalla nag-enjoy sa pagbebenta ng Beautederm products sa SM North Edsa

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya ang Beautederm ambassadors na sina Carlo Aquino at Thia Thomalla habang sila mismo ang nagbebenta ng Beautederm products sa grand opening ng Beautederm store sa SM City North Edsa nitong Sabado, June 3. Nasaksihan namin kung paano maging Beautederm consultants at  magbenta sina Carlo at Thia, in fairness, ang galing nilang mag-explain sa mga bumibili dahil talagang ginagamit nila ang mga produkto ng Beautederm lalo na ang kanilang mga paborito - ang Purifie Facial Wash at Beautederm Beau Charcoal Soap para kay Carlo, habang Cristaux Supreme Serum, Cristaux Gold Serum at Purifie Facial Wash naman para kay Thia. "Nag-enjoy talaga ako magbenta kasi aside from meeting my fans and supporters na nandito ay I got to meet yung Beautederm customers also. Madaling magbenta kung talagang ginagamit mo yung produkto. This is a wonderful experience for me," sabi ni Thia. Ayon naman kay Carlo, "Suki na ako sa pagbebenta sa tuwing naiimbitahan ako sa B