Pinalakas na pagbabalita hatid ng "Güd Morning Kapatid” at aariba pa ang bagong anchors ng "Frontline Pilipinas" sa TV5


ni GLEN P. SIBONGA

Pasasarapin pa ng TV5 ang inyong gising at bubusogin ang inyong umaga simula sa Hunyo 19 dahil sa bagong morning news show ng News5 na “Güd Morning Kapatid," tampok ang bigating news anchors na sina Gretchen Ho, Jes Delos Santos, at Justin Quirino.

Handa nang maghatid ang tatlo ng komprehensibong kumbinasyon ng mga current events, trending topics, payo, at nakakaengganyong mga kwento ng tao. Talagang perfect na kasama ng kape tuwing umaga dahil mabubusog ka sa impormasyon at importanteng balita na dapat mong malaman.

Mas pinalakas naman ang pagbabalita sa gabi ng dalawang bagong anchors ng News5 na sina KaladKaren at Mikee Reyes sa kanilang main primetime news program na “Frontline Pilipinas.” 

Parte ito ng plano ng TV5 para palakasin ang kanilang posisyon bilang go-to source ng mapagkakatiwalaang pamamahayag at in-depth news coverage. Matatandaang nilipat ang schedule ng “Frontline Pilipinas” ng 6:30 p.m. noong Mayo 22 upang makipagsabayan sa ibang network news programs.

Ang MMFF Best Supporting Actress na si KaladKaren ay ihahayag ang latest trends at exclusive stories mula sa entertainment world, habang ang Sports Tito na si Mikee Reyes ay magbibigay ng updates, highlights, at detalyadong analysis mula sa sports arena.

Talagang ipinapakita ng “Güd Morning Kapatid” at “Frontline Pilipinas” ang commitment ng TV5 upang magpahayag ng iba’t ibang content na hindi lang naaayon sa mataas na standards ng pamamahayag kundi nagtatampok din sa pangangailangan ng kanilang mga manonood.

Ibinahagi ng News head na si Chief Luchi Cruz-Valdes na, “The revitalization of our programming mirrors TV5's dedication to fair and factual reporting. The introduction of 'Güd Morning, Kapatid!' and the fresh faces on 'Frontline Pilipinas' symbolize our continued efforts to stay engaging and relevant in this fast-paced broadcast environment.”

Huwag palampasin ang pagsikat ng “Güd Morning Kapatid” sa TV5 simula ngayong Hunyo 19, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:30 am. Alamin naman ang latest sa showbiz news mula kay KaladKaren at sports mula kay Mikee Reyes sa “Frontline Pilipinas” tuwing gabi ng 6:30 pm. Para maging updated sa latest news ng TV5, i-like at i-follow kanilang social media pages sa Facebook at YouTube.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies