Business couple Michael at Michelle Lusung nagpapasalamat sa suporta at inspirasyong ibinibigay ni Beautederm CEO Rhea Tan

ni GLEN P. SIBONGA

Patuloy sa pamamayagpag ang business couple at Beautederm store owners na sina Michael at Michelle Lusung dahil nagbukas na kamakailan ang kanilang ika-apat na Beautederm store na matatagpuan sa SM North Edsa.

Naganap noong June 3 ang grand opening ng bagong Beautedem store nina Michael at Michelle sa Lower Ground Level ng SM North Edsa kung saan dumalo ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan kasama ang Beautederm ambassadors na sina Carlo Aquino at Thia Thomalla.

Sina Michael at Michelle rin ang owners ng kauna-unahang international store ng Beautederm sa Singapore at mayroon pa silang local stores sa Newpoint Mall sa Angeles City, Pampanga pati sa SM Fairview.

Masayang-masaya nga ang mag-asawang Lusung na nadaragdagan ang kanilang Beautederm stores dahil dumarami rin ang kanilang natutulungan at nabibigyan ng trabaho. Malaking blessing ito para sa kanila kaya gusto rin nilang maging blessing sa ibang tao.

Ayon nga kay Michael, "Para maging blessing kami at tuloy-tuloy yung pagtulong namin sa ibang tao kaya nabe-bless kami ng Panginoon. Of course, sa tulong na rin ni Ma'am Rei (Rhea Tan) at ng Beautederm Corporation."

"At saka maganda yung mga product talaga. It's really safe and effective. Katulad ko po nine years na akong Beautederm user, nakikita niyo naman po ang magandang epekto sa akin," dagdag pa ni Michelle.

Anong inspirasyon ang nakukuha nila kay Ms. Rhea?

"Marami. Isa na riyan yung hard work at saka matulungin na boss si Ma'am Rei. Marami siyang natutulungan kaya ganun din yung gusto naming gawin. Kaya siya nabe-bless ng marami dahil maraming siyang kawanggawa. And we also want to do that. Malaking inspirasyon talaga si Ma'am Rei sa amin," ani Michael.

"Ang inspirasyong nakukuha ko kay Ma'am Rei ay yung kahit very successful siya, napakayaman na niya, she is very humble and napakabait ng puso niya. Yun ang pinakanagustuhan ko sa kanya," sabi pa ni Michelle.

Ano ang ipinagpapasalamat nila for having Beautederm in their life kasama na rin si Ms. Rhea?

"We're very thankful. Kasi hindi naman kami mayaman and we took this business as a challenge. When Beautederm came to us, it's like God sends this to us in order for us to be a blessing to others as well. Kaya ipinagpapasalamat namin na Beautederm came to our lives. Truly, sa Beautederm gaganda ang buhay mo. Ngayon may pang-apat na store na kami," pahayag ni Michael.

May mensahe pa si Michelle para kay Ms. Rhea.

"Ma'am Rei, thank you for the support always. Salamat po sa tiwala. Salamat po sa paggabay. Salamat din sa paglabas ng magagandang products. Tulad niyan may bago po kaming product na Blanc Pro. Napakamura po pero very effective kaya sure na magugustuhan niyo," sabi ni Michelle.

Sa huli, nagpapasalamat din sina Michael at Michelle sa Beautederm ambassadors na sina Carlo at Thia sa pagsama sa grand opening ng store nila sa SM North Edsa. Lalo na raw kay Carlo na suki na nilang ambassador sa tuwing magbubukas sila ng bagong store.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies