Bong Revilla nagpapasalamat sa tumataas na TV ratings ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'


ni GLEN P. SIBONGA

Tuwang-tuwa si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. dahil wagi na naman sa TV ratings nitong June 11 ang action-comedy series na pinagbibidahan niya sa GMA, ang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Ayon sa NUTAM People Ratings data, nakapagtala ang second episode nito ng 13.4 percent na higit na mataas sa rating ng pilot episode na 12.3 percent.

Idinaan nga ni Bong sa pag-post sa kanyang official Facebook page ang kanyang pasasalamat.

"Maraming salamat pong muli sa mainit na pagtangkilik sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis! 🥰 Dahil po sa inyong walang-bitaw na panonood ay mas tumaas pa po ang rating ng pangalawang episode ng ating show! 😊❤️🎊

"Painit pa po nang painit ang mga eksenang aming pinaghandaan na ipalalabas sa susunod na mga linggo, kaya't asahan nyo pong mas mag-eenjoy pa ang weekends ng buong pamilya!🤗

"Muli, maraming maraming salamat po! Ang tagumpay po ng show na ito ay alay namin sa inyo! 🥰☺️"

Patuloy ang pagsuporta ng Kapuso viewers na linggo-linggong sinusubaybayan ang programa.

"Every Sunday lagi ko pong pinapanood si Senator Bong Revilla sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Idol na idol ko po kayo Senator Bong Revilla mula noon hanggang ngayon. God bless po," sabi ng isang loyal fan ni Bong.

Hirit ng isa pang supporter, "Inaabangan ko lagi 'yan, Idol! Congratulations po, Tolome!" 

Kasama rin ni Bong sa cast sina Beauty Gonzalez, Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Raphael Landicho, Carmi Martin, Dennis Padilla, Maey Bautista, Jimmy Santos, at marami pang iba.

Patuloy na subaybayan ang "Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis" tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies