Carlo Aquino, Thia Thomalla nag-enjoy sa pagbebenta ng Beautederm products sa SM North Edsa


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang-masaya ang Beautederm ambassadors na sina Carlo Aquino at Thia Thomalla habang sila mismo ang nagbebenta ng Beautederm products sa grand opening ng Beautederm store sa SM City North Edsa nitong Sabado, June 3.

Nasaksihan namin kung paano maging Beautederm consultants at  magbenta sina Carlo at Thia, in fairness, ang galing nilang mag-explain sa mga bumibili dahil talagang ginagamit nila ang mga produkto ng Beautederm lalo na ang kanilang mga paborito - ang Purifie Facial Wash at Beautederm Beau Charcoal Soap para kay Carlo, habang Cristaux Supreme Serum, Cristaux Gold Serum at Purifie Facial Wash naman para kay Thia.

"Nag-enjoy talaga ako magbenta kasi aside from meeting my fans and supporters na nandito ay I got to meet yung Beautederm customers also. Madaling magbenta kung talagang ginagamit mo yung produkto. This is a wonderful experience for me," sabi ni Thia.

Ayon naman kay Carlo, "Suki na ako sa pagbebenta sa tuwing naiimbitahan ako sa Beautederm store opening. But it's always a great and fun experience for me. Nakakatuwa yung mga tao kasama na yung supporters namin."

Very proud naman ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan kina Carlo at Thia.

"Tignan niyo yung kutis ng mga alaga ko, di ba mas maganda sa personal, walang filter. Tignan niyo ang baby girl ko (Thia), beauty queen, ang ganda-ganda sa personal. At si Carlo parang 25 years old lang, hindi tumatanda di ba?" pagmamalaki pa ni Ms. Rhea sa dalawa.

Nagpapasalamat naman ang Beautederm SM North Edsa store owners na sina Michael at Michelle Lusung kay Ms. Rhea sa patuloy na pagsuporta, pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa kanila.

Thankful din sina Michael at Michelle kina Carlo at Thia sa kanilang partisipasyon sa store opening.

Ang Beautederm store sa SM North Edsa na matatagpuan sa Lower Ground Level ng mall ang pang-apat na branch nina Michelle at Michael. Sila rin ang owners ng kauna-unahang international store ng Beautederm sa Singapore at mayroon pa silang local stores sa Newpoint Mall sa Angeles City, Pampanga pati sa SM Fairview.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies