Posts

Showing posts from May, 2023

Binibining Pilipinas Globe 2023 Anna Valencia Lakrini na-inspire sa success story ni Beautederm CEO Rhea Tan

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya si Anna Valencia Lakrini ng Bataan matapos niyang makuha ang korona bilang Binibining Pilipinas Globe 2023 sa katatapos lang na coronation night ng 59th edition ng naturang prestihiyosong beauty pageant na ginanap nitong Linggo, Mayo 28, sa Smart Araneta Coliseum. Nagkamit rin si Anna ng special awards na kinabibilangan ng Best in Swimsuit, Miss Jag, at ang ipinagmamalaki niyang Miss Blanc Beaute by Beautederm. Ang Beautederm ang official skincare partner ng Binibining Pilipinas. Type na type ni Anna ang award niya sa Beautederm dahil may kasama itong premyong P100,000 cash at P500,000 worth of Beautederm products na pwede na niyang gamiting pangnegosyo. Mismong ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan ang nag-abot ng premyo kay Anna. Puno nga ng papuri at pagmamalaki si Ms. Rhea kay Anna, “Anna is a beautiful woman who exuded grace and confidence with humility. She fits the title Miss Blanc Beauté so perfectly - Anna glows inside and

Jodi Sta. Maria ikinatuwa ang partnership ng ABS-CBN at GMA sa 'Unbreak My Heart:' "It's the end of rivalry"

Image
ni GLEN P. SIBONGA Ikinatuwa ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang partnership ng ABS-CBN at GMA Network para sa seryeng "Unbreak My Heart" at para sa kanya ay katapusan na ito ng rivalry sa dating magkalabang TV networks. "I think it's the end of rivalry, really. I mean now we can share artists and talents and everyone is just given the opportunity to work. It's really more job opportunities for this industry that we have grown to love. Bukod din po sa aming mga artista at mga tao na parte ng industriya siyempre and pinakamagbe-benifit sa partnership na ito ay ang ating mga manonood," sabi ni Jodi. Hindi nga aakalain noon na mangyayari ang ganitong partnership at collaboration sa pagitan ng dalawang pangunahing TV networks sa Pilipinas. "Many years ago po kasi, no one thought, not even in their wildest dreams that this moment right here will be possible. Before kasi ABS-CBN and GMA were rivals, competitors for ratings, for audience share. But

Sean de Guzman gustong makatrabaho ang idolong si Coco Martin; Wish na mapasama sa cast ng 'Batang Quiapo'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Aminado si Sean de Guzman na isa si Coco Martin sa mga aktor na iniidolo niya. "Dati po napapanood ko lang siya e. Pero ngayon parang yung track sa career na tinahak niya before, parang tinatahak ko po ngayon. Malaking inspirasyon po siya sa akin," sabi ni Sean. Tulad ng award-winning actor na si Coco, unti-unti na ring napapansin ang galing sa pag-arte ni Sean lalo na nga matapos niyang manalo ng acting awards sa international film festivals. Pero alam niya na marami pa siyang kailangang patunayan kung ikukumpara kay Coco. "Kasi si sir Coco napakagaling na artista. Sobrang malayo na po ang narating ni sir Coco. Sobrang deserve naman po niya kung anuman ang tinatamasa niya ngayon," ani Sean. Kung mabibigyan nga ng pagkakataon ay gusto ni Sean na makatrabaho si Coco. "Opo, gusto ko po talaga. Kasi isa siya sa mga iniidolo ko dito sa industriya. Sana po, sana po magkatrabaho po kami." Wish din ba niyang mapasama sa cast ng seryeng "FP

Beautederm CEO Rhea Tan ipinagmalaki ang itinanghal na Miss Blanc Beaute sa Binibining Pilipinas 2023

Image
ni GLEN P. SIBONGA Bilang bahagi ng kanyang partnership sa Binibining Pilipinas, iginawad ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anocoche Tan ang prestihiyosong Miss Blanc Beaute award kay Anna Valencia Lakrini ng Bataan noong May 18 sa New Frontier Theater, Quezon City. Puno nga ng papuri at pagmamalaki si Ms. Rhea kay Anna, “Binibini Bataan is a beautiful woman who exuded grace and confidence with humility. She fits the title Miss Blanc Beauté so perfectly - Anna glows inside and out.” Masayang winelcome ni Ms. Rhea sa Beautederm family. “We’re thrilled to have her as our ambassador. She is a great addition to Beautéderm because of her advocacy, wit, charm, and true beauty. She simply radiates from within!” Bilang winner ng nasabing award, nakatanggap si Anna ng P100,000 cash at P500,000 worth of Beautéderm products. Saad ng beauty queen, “A dream come true! What really makes me even happier is that I got to see the kind, humble, and intelligent Miss Rhea Tan again.” Nagsilbing i

'Unbreak My Heart' nina Jodi, Richard, Gabbi, Joshua ipalalabas sa TV sa GMA sa May 29; sa online sa GMANetwork.com, iWantTFC, Viu sa May 27

Image
ni GLEN P. SIBONGA Inaabangan na ang kauna-unahang kolaborasyon ng GMA Network at ABS-CBN Corporation, ang seryeng  “Unbreak My Heart,” kung saan isang bawal na pag–ibig ang magdadala ng sakit at hinagpis sa mga karakter ng mga bidang sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia.  Ipalalabas ang serye sa TV sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies ngayong Mayo 29 ng 9:35 PM mula Lunes hanggang Huwebes, at 11:25 PM sa GTV. Masusubaybayan din ang mga episode nito online 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon sa Pilipinas sa GMANetwork.com at iWantTFC, at sa 16 territories sa labas ng Pilipinas sa Viu simula Mayo 27. Available rin ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC.  Iikot ang kwento ng “Unbreak My Heart” kay Rose (Jodi), isang babaeng durog na durog ang puso dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan at ngayon ay gustong mabuo muli ang kanyang pamilya matapos niya itong iwanan.  Sa kalagitnaan ng pagtatama ng kanyang mga kasalanan, mahuhulog ang loob ni Rose kay R

Anna Valencia Lakrini ng Bataan nag-uwi ng bonggang premyo sa pagwaging Miss Blanc Beaute by Beautederm sa 59th Binibining Pilipinas

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya si Binibini 24 Anna Valencia Lakrini ng Bataan matapos siyang tanghaling Miss Blanc Beaute by Beautederm sa 59th Binibining Pilipinas dahil kasama nito ang bonggang papremyo na P100,000 cash plus P500,000 worth of Beautederm products na pwede niyang gawing negosyo. Mismong ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan ang nag-abot ng premyo kay Anna sa ginanap na preliminary competition (Swimwear, National Costume, etc.) ng Binibining Pilipinas. Ang Beautederm ang official skincare partner ng 59th Binibining Pilipinas . Sa kanyang Facebook post, ibinihagi ni Anna ang kanyang kasiyahan sa pagwawagi niyang Miss Blanc Beaute by Beautederm kasama na ang pasasalamat kay Ms. Rhea o Rei. Ayon nga kay Anna sa kanyang FB post, "Sobrang masaya at grateful ako to be your Miss Blanc Beauté Beautéderm Angeles 💛💛💛 "Thank you so so much Rei Ramos Anicoche-Tan 🧡 You are not only a beautiful CEO, but also an empowered woman who's story o

Concert ni Bruno Mars sa Philippine Arena dinagdagan ng isang araw; Pinoy fans inaasahang dadagsa sa June 24-25

Image
ni GLEN P. SIBONGA Kasunod ng matagumpay na 120,000-strong Summer Blast 2023 crowd attendance, ang two-day concert naman ni Filipino-American multiple Grammy winner Bruno Mars ang inaabangang event sa Philippine Arena. Sa kabila nga ng ga-higanteng 55,000 capacity ng world's largest indoor arena, kinailangan pang magdagdag ng isang araw ng concert para makapanood ang mas maraming tagahanga ng international singer. Ang naunang inianunsyo na June 24 concert ay masusundan kaagad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa 'overwhelming demand' para sa tickets. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer. Proud naman si Bruno Mars sa kaniyang Filipino roots. Puerto Rican ang kaniyang ama at Pinay naman ang kaniyang ina bagaman isinilang siya sa Hawaii. Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Matatandaan namang nagpadala ito ng $100,000 na tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda pagkatapos ng 2014 concert nito sa Pilip

120K katao dumagsa sa Summer Blast 2023 sa Philippine Arena; Celebrities, singers, mga banda nagbigay saya

Image
ni GLEN P. SIBONGA Kung ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas may Summer Blast! Tampok ang bigating concert experience, samu't saring pasyalan, amusement rides, booths at summer-themed attractions, talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023. Mahigit 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex sa Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan nitong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast. Batay sa mga ulat, walang naging aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad. Nakisaya at nakikanta naman ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy at si Gloc-9. Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos di mahulugang-karayom sa dami ng nanood. Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag din ng kanilang naging experience. "Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!"

Maja Salvador natuwa na si Awra Briguela ang naging co-host niya sa 'Emojination'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Natuwa si Maja Salvador nang malaman niya na ang kaibigan niya at "sister" sa showbiz na si Awra Briguela ang napili ng TV5 at APT Productions para maging co-host niya sa bagong Kapatid game show na "Emojination," na magsisimula nang umere ngayong Linggo, May 14. "Kasi nga mula noong maliit pa lang siya at ginagawa niya yung pagme-make face.niya noon to eto na siya ngayon. So, nakakatuwa lang na yung friendship namin ay madudugtungan na naman ng maraming emojis at memories," sabi ni Maja. Una silang nagkasama sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" kung saan sabi ni Awra ay lagi pa siyang pinasasakay ni Maja sa artista van ng aktres. Nag-click nga sila hanggang sa maging magkaibigan. Matapos ang ilang taon ay muli silang nagkasama bilang hosts ng nakatutuwang game show ng TV5 na "Emojination," kung saan hindi lang saya ang hatid nila sa contestants ng show kundi papremyo pa. Happy din si Maja dahil ang "Emojin

Maja Salvador, Awra Briguela put your emoji skills to the test in TV5’s 'Emojination'

Image
by GLEN P. SIBONGA Game show lovers will get to wear their thinking caps once again as TV5, in collaboration with APT Productions, launches the newest addition to its line-up of original shows, "Emojination." Premiering on TV5 this May 14 at 5PM, the new game show combines the fun of using emojis with engaging ways of winning big prizes.  "Emojination" is the first game show of its kind, challenging contestants to decipher emoji puzzles and answer questions related to them. Hosted by award-winning actress, Her ‘Emojesty’ Maja Salvador, and Gen-Z rising artist, ‘Fezfriend’ Awra Briguela, the show's unique format is guaranteed to keep audiences entertained and on the edge of their seats. The game show revolves around the use of emojis in three (3) rounds, with two (2) players on each opposing team. In the first round, called  "Pic-Per-Word,"  contestants are shown four emojis that describe a mystery word and they need to decipher the word to beat their o

59th Binibining Pilipinas candidates bumisita sa Beautederm Headquarters; Ms. Beautederm mananalo ng negosyo package, store plus P100k cash

Image
ni GLEN P. SIBONGA Tuwang-tuwa ang 40 kandidata ng 59th Binibining Pilipinas nang malaman nilang ang tatanghaling Ms. Beautederm sa gaganaping coronation night sa May 28 ay mananalo ng Beautederm store at negosyo package worth half-a-million pesos plus P100,000 cash prize. Ang bonggang papremyong ito ay inanunsiyo ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan sa pagbisita ng 40 kandidata kasama ang representatives at production team ng Binibining Pilipinas Charities sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga noong May 8. Ang Beautederm ang natatangi at opisyal na skincare partner ng 59th Binibining Pilipinas. Malaking karangalan nga ito para kay Ms. Rhea. Ayon nga kay Ms. Rhea sa kanyang speech, "Today, we are privileged to witness the convergence of two great forces - Beautederm Corporation and Binibining Pilipinas Charities. "Beautederm, known for its innovative skincare products and commitment in promoting self-confidence and empowerment, aligns perfect

Coco Martin isinawalat ang sunud-sunod na pasabog sa 'FPJ's Batang Quiapo' simula ngayong May 8

Image
ni GLEN P. SIBONGA Isiniwalat ng Primetime King na si Coco Martin sa ginanap na mediacon kamakailan ang sunud-sunod na pasabog na aabangan sa pinagbibidahan niyang Kapamilya teleseryeng "FPJ's Batang Quiapo" simula ngayong Lunes, May 8. "Actually, ayoko nga sanang sagutin kasi mas maganda sana ay surprise. Kaya lang, sige na, sa May 8 ito ang pagtatagpo-tagpo ng bawat characters. Dito na kami magkikita-kita, maglalaban-laban ng bawat grupo," pagbubunyag ni Coco, na gumaganap sa serye bilang Tanggol. Pati ba sila ng ama ni Tanggol na si Ramon, na ginagampanan ni Christopher de Leon, ay magkikita na rin? "Yun ang dapat abangan. Kaya sabi ko nga yung May 8 talagang sinadya namin buoin siya para pahindikin at pasabugin yung lahat ng characters sa bawat eksena," sabi pa ni Coco. Lahad pa ng Primetime King magsisimula pa lang ang mga pasabog sa May 8 at marami pa itong kasunod. "Actually, ano iyan e... two weeks na tatakbo yung plot na ano from action t