59th Binibining Pilipinas candidates bumisita sa Beautederm Headquarters; Ms. Beautederm mananalo ng negosyo package, store plus P100k cash
ni GLEN P. SIBONGA
Tuwang-tuwa ang 40 kandidata ng 59th Binibining Pilipinas nang malaman nilang ang tatanghaling Ms. Beautederm sa gaganaping coronation night sa May 28 ay mananalo ng Beautederm store at negosyo package worth half-a-million pesos plus P100,000 cash prize.
Ang bonggang papremyong ito ay inanunsiyo ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan sa pagbisita ng 40 kandidata kasama ang representatives at production team ng Binibining Pilipinas Charities sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga noong May 8.
Ang Beautederm ang natatangi at opisyal na skincare partner ng 59th Binibining Pilipinas. Malaking karangalan nga ito para kay Ms. Rhea.
Ayon nga kay Ms. Rhea sa kanyang speech, "Today, we are privileged to witness the convergence of two great forces - Beautederm Corporation and Binibining Pilipinas Charities.
"Beautederm, known for its innovative skincare products and commitment in promoting self-confidence and empowerment, aligns perfectly with the values represented by Binibining Pilipinas. Both share a common vision to recognize the limitless potential of every woman. Provide them with opportunities to shine and make a positive impact on people's lives."
Inihayag na rin ni Ms. Rhea na magtutuloy ang partnership ng Beautederm at Binibining Pilipinas hanggang sa 60th edition ng prestihiyosong beauty pageant sa susunod na taon.
Bukod sa bonggang anunsiyo sa premyo ng Ms. Beautederm, ikinatuwa rin ng mga kandidata ang mainit na pagtanggap sa kanila ng Beautederm kabilang na ang pagbibigay sa kanilang lahat ng Beautederm jackets at products pati na ng Hermes perfume.
Bongga rin ang pa-raffle ni Ms. Rhea na Louis Vuitton bag, mula sa kanyang isa pang negosyo na A-List Avenue, na napanalunan ni Sharmaine Magdasoc ng Ortigas, Pasig.
Nagkaroon ng special Q&A portion kung saan napili ang limang kandidata sa pamamagitan ng pagbunot sa kanilang mga pangalan. Nagwagi rito si Mirjan Hipolito ng Angeles City, Pampanga.
Nag-tour pa sila sa buong Beautederm building kung saan matatagpuan ang iba pang negosyo ni Ms. Rhea na kabilang sa Beautederm Group of Companies - BeauteHaus Clinic, Beauty Beanery, A-List Avenue, AK Studios, pati na rin ang corporate offices.
Nakasama ng nga kandidata ang Beautederm celebrity ambassadors na sina EA Guzman, Kakai Bautista, Thia Tomalla, at DJ JhaiHo, na nag-host ng programa. Hinarana ni EA ang mga kandidata. Nakisayaw naman ang mga ito sa pagkanta ni Kakai ng upbeat songs. Nagbigay ng tips at advices si Thia bilang isang beauty queen.
Present din ang local ambassadors mula sa Pampanga na sina Ning Cordero, Mich Viray, Voltaire Zalamea, Mak Tumang, Mariah Santos, at Minnie Uy Yao.
Sumuporta sa event ang Local Officials headed by Angeles City Mayor Carmelo Jr Lazatin represented by Raffy Angeles, Angeles City Councilor JC Parker Aguas, at Department of Tourism Regional Director Dr. Richard Cheng Daenos.
Nagpasalamat naman si Ms. Rhea sa Binibining Pilipinas sa kanyang Facebook post. Aniya, "I extend my heartfelt gratitude to the Binibining Pilipinas organization for choosing Beautederm Corporation as this year’s official skincare partner. It is a testament to the reputation and success we have built as an organization that supports and empowers women.
"To the candidates, I wish you all the best in your pursuit of the Binibining Pilipinas crown. Remember that each and every one of you is already a queen, for you have inspired countless individuals by simply embracing your true selves."
Samantala, narito ang 40 kandidata ng 59th Binibining Pilipinas pati na ang kanilang official numbers at ang mga nirerepresentang lugar sa Pilipinas:
Binibini 1 Juvel Cyrene Bea - Quezon City
Binibini 2 Elaiza Dee Alzona - Zambales
Binibini 3 Lyra Punsalan - Pampanga
Binibini 4 Paulina Labayo - Naga City, Bicol
Binibini 5 Gianna Llanes - Palayan City, Nueva Ecija
Binibini 6 Angelica Lopez - Palawan
Binibini 7 Allhia Estores - Parañaque City
Binibini 8 Mirjan Hipolito - Angeles City
Binibini 9 Babyerna Liong - Tacloban City
Binibini 10 Rasha Cortez Al Enzi - Urdaneta, Pangasinan
Binibini 11 Kiaragiel Gregorio - Cabanatuan, Nueva Ecija
Binibini 12 Xena Ramos - Santolan, Pasig
Binibini 13 Samantha Dana Bug-os - Oriental Mindoro
Binibini 14 Jeanne Isabelle Bilasano - Albay
Binibini 15 Jessilen Salvador - Aklan
Binibini 16 Atasha Reign Parani - General Trias, Cavite
Binibini 17 Tracy Lois Bedua - Iloilo City
Binibini 18 Andrea Marie Sulangi - Morong, Bataan
Binibini 19 Julia Mae Mendoza - Roxas City
Binibini 20 Julianne Rose Reyes - Cavite
Binibini 21 Paola Allison Araño - Batangas
Binibini 22 Anje Mae Manipol - Quezon Province
Binibini 23 Zoe Bernardo Santiago - Manila
Binibini 24 Anna Valencia Lakrini - Bataan
Binibini 25 Yesley Cabanos - Caloocan
Binibini 26 Rheema Adakkoden- Camarines Sur
Binibini 27 Zeah Nestle Pala - Tarlac Province
Binibini 28 Katrina Mae Sese - Tarlac City
Binibini 29 Trisha Martinez - Laguna
Binibini 30 Charismae Almarez - General Luna, Quezon
Binibini 31 April Angelu Barro - Cagayan de Oro
Binibini 32 Sharmaine Magdasoc - Ortigas, Pasig
Binibini 33 Katrina Anne Johnson - Davao del Sur
Binibini 34 Joy Dacoron - Province of Cebu
Binibini 35 Sofia Lopez Galve - Province of Rizal
Binibini 36 Mary Chiles Balana - Hermosa, Bataan
Binibini 37 Pia Isabel Duloguin - Misamis Occidental
Binibini 38 Lea Macapagal - Dinalupihan, Bataan
Binibini 39 Loraine Jara - Bulacan
Binibini 40 Candy Vollinger - Catanduanes
Magaganap ang coronation night ng 59th Binibining Pilipinas sa May 28, 2023 sa Smart Araneta Coliseum.
Comments
Post a Comment