Sean de Guzman gustong makatrabaho ang idolong si Coco Martin; Wish na mapasama sa cast ng 'Batang Quiapo'


ni GLEN P. SIBONGA

Aminado si Sean de Guzman na isa si Coco Martin sa mga aktor na iniidolo niya.

"Dati po napapanood ko lang siya e. Pero ngayon parang yung track sa career na tinahak niya before, parang tinatahak ko po ngayon. Malaking inspirasyon po siya sa akin," sabi ni Sean.

Tulad ng award-winning actor na si Coco, unti-unti na ring napapansin ang galing sa pag-arte ni Sean lalo na nga matapos niyang manalo ng acting awards sa international film festivals.

Pero alam niya na marami pa siyang kailangang patunayan kung ikukumpara kay Coco. "Kasi si sir Coco napakagaling na artista. Sobrang malayo na po ang narating ni sir Coco. Sobrang deserve naman po niya kung anuman ang tinatamasa niya ngayon," ani Sean.

Kung mabibigyan nga ng pagkakataon ay gusto ni Sean na makatrabaho si Coco. "Opo, gusto ko po talaga. Kasi isa siya sa mga iniidolo ko dito sa industriya. Sana po, sana po magkatrabaho po kami."

Wish din ba niyang mapasama sa cast ng seryeng "FPJ's Batang Quiapo" na pinagbibidahan ni Coco?

"Gusto ko nga po e. Sana po, sana," sagot ni Sean.

Alam ni Sean na marami siyang matutunan sa idolo niyang si Coco kapag nakasama niya ito sa trabaho.

Sa ngayon naghahanda si Sean sa mga susunod niyang gagawing proyekto.

Nagpapasalamat din siya sa patuloy na pag-aalaga sa kanya ng manager niyang si Len Carrillo.

Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies