Coco Martin isinawalat ang sunud-sunod na pasabog sa 'FPJ's Batang Quiapo' simula ngayong May 8


ni GLEN P. SIBONGA

Isiniwalat ng Primetime King na si Coco Martin sa ginanap na mediacon kamakailan ang sunud-sunod na pasabog na aabangan sa pinagbibidahan niyang Kapamilya teleseryeng "FPJ's Batang Quiapo" simula ngayong Lunes, May 8.

"Actually, ayoko nga sanang sagutin kasi mas maganda sana ay surprise. Kaya lang, sige na, sa May 8 ito ang pagtatagpo-tagpo ng bawat characters. Dito na kami magkikita-kita, maglalaban-laban ng bawat grupo," pagbubunyag ni Coco, na gumaganap sa serye bilang Tanggol.

Pati ba sila ng ama ni Tanggol na si Ramon, na ginagampanan ni Christopher de Leon, ay magkikita na rin?

"Yun ang dapat abangan. Kaya sabi ko nga yung May 8 talagang sinadya namin buoin siya para pahindikin at pasabugin yung lahat ng characters sa bawat eksena," sabi pa ni Coco.

Lahad pa ng Primetime King magsisimula pa lang ang mga pasabog sa May 8 at marami pa itong kasunod.

"Actually, ano iyan e... two weeks na tatakbo yung plot na ano from action to heavy drama," siwalat pa ni Coco.

Samantala, taos-puso ring nagpapasalamat si Coco sa mga manonood na tutok na tutok sa “FPJ’s Batang Quiapo” mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng taong nagmamahal at sumusuporta sa ‘Batang Quiapo’ sa simula’t simula pa. Kayo ang dahilan kung bakit naging maganda ang kinalabasan ng aming programa. Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga pagtulong at pagmamahal niyo sa amin,” ani Coco.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies