Anna Valencia Lakrini ng Bataan nag-uwi ng bonggang premyo sa pagwaging Miss Blanc Beaute by Beautederm sa 59th Binibining Pilipinas


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang-masaya si Binibini 24 Anna Valencia Lakrini ng Bataan matapos siyang tanghaling Miss Blanc Beaute by Beautederm sa 59th Binibining Pilipinas dahil kasama nito ang bonggang papremyo na P100,000 cash plus P500,000 worth of Beautederm products na pwede niyang gawing negosyo.

Mismong ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan ang nag-abot ng premyo kay Anna sa ginanap na preliminary competition (Swimwear, National Costume, etc.) ng Binibining Pilipinas. Ang Beautederm ang official skincare partner ng 59th Binibining Pilipinas.

Sa kanyang Facebook post, ibinihagi ni Anna ang kanyang kasiyahan sa pagwawagi niyang Miss Blanc Beaute by Beautederm kasama na ang pasasalamat kay Ms. Rhea o Rei.

Ayon nga kay Anna sa kanyang FB post, "Sobrang masaya at grateful ako to be your Miss Blanc Beauté Beautéderm Angeles 💛💛💛

"Thank you so so much Rei Ramos Anicoche-Tan 🧡 You are not only a beautiful CEO, but also an empowered woman who's story of success, I hold close to my heart!!

"Maraming maraming Salamat po!!! Beautéderm Angeles Binibining Pilipinas 🧡🧡🧡"

Noong May 8 ay kasama si Anna sa mga Binibining Pilipinas 2023 candidates na bumisita sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga. Aminado ang mga kandidata na na-inspire at na-motivate sila sa success story na ibinahagi ni Ms. Rhea sa kanila.

Samantala, handa na rin si Anna na makipag-compete sa coronation night ng 59th Binibining Pilipinas na gaganapin sa May 28, 2023 sa Smart Araneta Coliseum.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies