Jodi Sta. Maria ikinatuwa ang partnership ng ABS-CBN at GMA sa 'Unbreak My Heart:' "It's the end of rivalry"


ni GLEN P. SIBONGA

Ikinatuwa ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang partnership ng ABS-CBN at GMA Network para sa seryeng "Unbreak My Heart" at para sa kanya ay katapusan na ito ng rivalry sa dating magkalabang TV networks.

"I think it's the end of rivalry, really. I mean now we can share artists and talents and everyone is just given the opportunity to work. It's really more job opportunities for this industry that we have grown to love. Bukod din po sa aming mga artista at mga tao na parte ng industriya siyempre and pinakamagbe-benifit sa partnership na ito ay ang ating mga manonood," sabi ni Jodi.

Hindi nga aakalain noon na mangyayari ang ganitong partnership at collaboration sa pagitan ng dalawang pangunahing TV networks sa Pilipinas.

"Many years ago po kasi, no one thought, not even in their wildest dreams that this moment right here will be possible. Before kasi ABS-CBN and GMA were rivals, competitors for ratings, for audience share. But now nagbago 'yun. We are no longer rivals but we are here today as collaborators and partners with goals and that is to provide more opportunities for the people in the industry that we have grown to love and to give our audience, to provide them with quality entertainment," paliwanag pa ni Jodi.

Kaya nagpapasalamat si Jodi na napabilang siya sa cast ng "Unbreak My Heart."

"I feel grateful, honored, and blessed to be part of this project and I would like to thank everyone who made this beautiful impossibility possible, to ABS-CBN, GMA, and to Viu who will provide us with a streaming platform, strengthening and showcasing, Filipino talent worldwide," ani Jodi.

Ginagampanan ni Jodi ang character ni Rose, isang babaeng durog na durog ang puso dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan at ngayon ay gustong mabuo muli ang kanyang pamilya matapos niya itong iwanan. 

Sa kalagitnaan ng pagtatama ng kanyang mga kasalanan, mahuhulog ang loob ni Rose kay Renz (Joshua Garcia), isang lalaking magiging sandalan niya sa kabila ng mga personal na problema nito at mauuwi sila sa kapanapanabik na May-September ove affair. 

Sa kabila nito, makikilala ni Renz ang isang sexy at magandang babaeng si Alex (Gabbi Garcia) na handang ipaglaban ang kanilang nabuong pag-iibigan. 

Magiging komplikado ang buhay nina Rose, Renz, at Alex dahil maiipit sila sa love triangle. Iigting pa lalo ang kanilang mga emosyon dahil sa patong-patong na mga problema nang sumulpot si Matt (Richard Yap) sa kanilang mga buhay para protektahan ang pamilya niya. 

Ipaglalaban pa ba ni Rose si Renz kahit nasasaktan na ang kanilang mga damdamin? Kaya pa bang maghilom ang puso ni Rose sa kabila ng pangingialam ni Matt?

Kinunan ang “Unbreak My Heart” sa Switzerland, Italy, at Pilipinas sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Palo at Dolly Dulu at sa produksyon ng Dreamscape Entertainment. 

Kabilang din sa serye sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, at Mark Rivera, pati na ang up-and-coming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.

Mapapakinggan din sa serye ang official soundtrack tampok ang mga awitin nina Christian Bautista, Bey, at Moira dela Torre. 

Magsisimulang mapanood ang “Unbreak My Heart” sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies ngayong Mayo 29 ng 9:35 PM, 11:25 PM sa GTV, at nauna na itong ipalabas 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu noong Mayo 27. Available rin ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies