Maja Salvador natuwa na si Awra Briguela ang naging co-host niya sa 'Emojination'


ni GLEN P. SIBONGA

Natuwa si Maja Salvador nang malaman niya na ang kaibigan niya at "sister" sa showbiz na si Awra Briguela ang napili ng TV5 at APT Productions para maging co-host niya sa bagong Kapatid game show na "Emojination," na magsisimula nang umere ngayong Linggo, May 14.

"Kasi nga mula noong maliit pa lang siya at ginagawa niya yung pagme-make face.niya noon to eto na siya ngayon. So, nakakatuwa lang na yung friendship namin ay madudugtungan na naman ng maraming emojis at memories," sabi ni Maja.

Una silang nagkasama sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" kung saan sabi ni Awra ay lagi pa siyang pinasasakay ni Maja sa artista van ng aktres. Nag-click nga sila hanggang sa maging magkaibigan.

Matapos ang ilang taon ay muli silang nagkasama bilang hosts ng nakatutuwang game show ng TV5 na "Emojination," kung saan hindi lang saya ang hatid nila sa contestants ng show kundi papremyo pa.

Happy din si Maja dahil ang "Emojination" ang kanyang first game show na siya ang host. Thankful nga siya sa TV5 at APT Productions sa pagbibigay ng iba't ibang proyekto sa kanya na kadalasan ay first time niyang gawin.

Kaya natanong namin si Maja kung ano ang best emoji na maglalarawan sa kanyang nararamdaman sa pagiging host ng "Emojination?"

"Yung emoji na may 💯 percent. Kasi nga 100% ang saya na handog ng 'Emojination.' 100% na magbibigay ng cash prizes. And 100% na for all generations itong show na ito," pagmamalaki pa ni Maja.

Mapapanood ang "Emojination" sa TV5 tuwing Linggo, 5pm, simula ngayong May 14.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies