Pokwang muling maghahain sa 'Kusina ni Mamang' ngayong Marso sa BuKo Channel


ni GLEN P. SIBONGA

Ihanda na ang mga rekados na kakailanganin para sa salu-salo dahil muling magbabalik ngayong Marso ang pinakainaabangang cooking show ni Pokwang sa BuKo Channel na "Kusina ni Mamang."

Kakaiba ang bagong season ngayong taon dahil dadalhin nila ang kanilang viewers sa isang culinary journey kung saan tampok ang mga pagkaing hango sa authentic Filipino cuisine. 

Kasama ang  hosts na sina Mamang Pokwang at DJ Jhai Ho, mapapanood na ulit ang "Kusina ni Mamang" ngayong Sabado, Marso 4, 8pm, sa BuKo Channel via Pay TV sa Cignal at SatLite Ch2, pati na rin sa Cignal Play Live TV at Video-On-Demand. Meron pa itong catch-up airing sa TV5 simula Marso 5, 8am.


Sundan ang nakatutuwang chemistry nina Mamang Pokwang at DJ Jhai Ho habang tinutuklas ang mayamang kultura ng Pilipinas at sinusubukan ang mga kakaibang tradisyonal na pagluluto ng mga Pilipino.


“Natutuwa kami sa pagbabalik ng 'Kusina ni Mamang' dahil napakarami pa naming mas masasarap pa na lulutuin. At syempre, excited din kami sa mga special guest na makakasama naming magluto. Kakaiba rin ang bagong segment namin na sasagutin namin ang requests ng mga letter sender, kaya talagang kaabang-abang ang mga bonggang ihahain namin para sa mga manonood,” pahayag ni Pokwang.


Alamin kung paano mabibigyan nina Mamang Pokwang at DJ Jhai Ho ng modern twist ang mga regional dishes kasama ang mga special guests tulad nina Dimples Romana, Alex Calleja at Israel Buenaobra, Ara Mina, Baby Baste at Mommy She, Clang Garcia, Adrian Alandy at Joselle, Arci Munoz, Kitty at Kakai Almeda, JM De Guzman, Joem Bascon at Meryll Soriano, Karen Davila, Ariel Rivera at Gelli De Belen, at Eugene Domingo na magbabahagi rin ng kanilang sariling cooking styles. 


Isa rin sa bagong pakulo para sa season na ito ay ang letter sender segment kung saan isasadula ni Mamang at kanyang mga guest ang kwentong kusina na ipinadala ng fans ng show.


Huwag palampasin ang mga bagong episodes ng "Kusina ni Mamang" sa BuKo Channel ngayong Marso 4, 8pm, sa Cignal at SatLite Ch 2, pati sa Cignal Play app via Live TV at Video-On-Demand. Meron ding catch-up airing sa TV5 simula Marso 5, 8am. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow lamang ang BuKo Channel sa Facebook at Instagram.



Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies