Posts

Showing posts from February, 2023

Pokwang muling maghahain sa 'Kusina ni Mamang' ngayong Marso sa BuKo Channel

Image
ni GLEN P. SIBONGA Ihanda na ang mga rekados na kakailanganin para sa salu-salo dahil muling magbabalik ngayong Marso ang pinakainaabangang cooking show ni Pokwang sa BuKo Channel na "Kusina ni Mamang." Kakaiba ang bagong season ngayong taon dahil dadalhin nila ang kanilang viewers sa isang culinary journey kung saan tampok ang mga pagkaing hango sa authentic Filipino cuisine.  Kasama ang  hosts na sina Mamang Pokwang at DJ Jhai Ho, mapapanood na ulit ang "Kusina ni Mamang" ngayong Sabado, Marso 4, 8pm, sa BuKo Channel via Pay TV sa Cignal at SatLite Ch2, pati na rin sa Cignal Play Live TV at Video-On-Demand. Meron pa itong catch-up airing sa TV5 simula Marso 5, 8am. Sundan ang nakatutuwang chemistry nina Mamang Pokwang at DJ Jhai Ho habang tinutuklas ang mayamang kultura ng Pilipinas at sinusubukan ang mga kakaibang tradisyonal na pagluluto ng mga Pilipino. “Natutuwa kami sa pagbabalik ng 'Kusina ni Mamang' dahil napakarami pa naming mas masasarap pa na lul

Buboy Villar official Beautederm ambassador na; Thankful kay CEO Rhea Tan sa regalong LV bag

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya si Buboy Villar na finally ay opisyal na ang pagiging Beautederm ambassador niya. Ayon nga sa post ni Buboy sa kanyang official Facebook page, "Oh Diba!! Isang Napakagandang Blessing! Maraming salamat po 🫶 Official Ambassador Yarn!" Kahit noong hindi pa official ambassador si Buboy ay palagi na rin siyang kinukuha ng Beautederm para sa iba't ibang events at store openings dahil na nga rin sa galing niyang magpasaya ng mga tao lalo na kapag magkasama sila ng patok niyang ka-tandem na si Jelai Andres, na nauna nang maging Beautederm ambassador. Natutuwa kay Buboy ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan kaya naman anak at Beautederm baby na rin ang turing niya sa actor-singer noon pa. At ngayon nga ay opisyal na niyang isinama si Buboy sa mahabang listahan ng Beautederm ambassadors. "Nahanap kona nawawala kong anak 😅 I love you anak! Official naaa! #BEAUTéDERM Ambassador na!" sabi ni Ms. Rhea nang ianunsiyo niya

Angkas CEO George Royeca aminadong Vilmanian; Happy sa partnership kay Ate Vi

Image
ni GLEN P. SIBONGA Aminado ang Angkas Co-Founder and CEO na si George Royeca na isa siyang Vilmanian at fan siya ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto kaya naman tuwang-tuwa siya sa pagpayag ni Ate Vi na makipag-partner sa Angkas at maging ambassador. "Sobrang surreal, parang panaginip. Parang nakamit mo yung bucket list check!" sabi ni Sir George sa presscon na inorganisa ng Angkas para kay Ate Vi. Pati rin daw ang yumaong ina ni Sir George ay Vilmanian din.  "She was. Unfortunately, she passed away last year. She's definitely a big fan. She knew about this, so she was very excited then," ani Sir George. Ang paborito ni Sir George na pelikula ni Ate Vi ay ang "Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?" Ipinaliwanag naman ni Sir George kung bakit sa dami ng celebrities ay si Ate Vi ang napili nilang maging ambassador ng Angkas. "Actually, there's a lot of actors and actresses that presented, that wanted to be a part of Angkas because nga they ar

Vilma Santos-Recto reveals exciting project with Pinoy motorcycle taxi firm Angkas

Image
by GLEN P. SIBONGA ​Star for All Seasons Vilma Santos-Recto revealed an exciting new project with homegrown Filipino motorcycle taxi company, Angkas. During a press conference in Makati this morning, February 27, the former public servant said she has been looking forward to this project with Angkas which will help uplift and support the country’s motorcycle taxi industry.  “Maganda ang project na ito kasi gusto ko talagang suportahan ang mga organisasyon na nagbibigay ng oportunidad sa marami. They are helping our commuters beat traffic. Mabilis na, safe pa, di ba? Pero higit sa lahat, gusto ko yung nakakatulong silang magbigay ng libu-libong trabaho sa ating mga kababayan. Grabe, 30 thousand na motorcycles na pala ang nabigyan ng trabaho,” Santos-Recto said. ​ This is not the first time Santos-Recto is helping push for jobs creation and additional livelihood opportunities. During the 18th Congress where she served as the Representative of the 6th District of Batangas, she served on t

2023 PMPC officers nanumpa kay Rep. Arjo Atayde bilang inducting officer

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) kay Quezon City District 1 Representative Juan Carlos "Arjo" C. Atayde bilang inducting officer na ginanap sa district office ng actor-politician sa 25 West Avenue, Quezon City. Nanguna sa oath taking ang Pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman kasama ang iba pang opisyal na kinabibilangan nina Mell Navarro (Vice President), Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), Eric Borromeo (Auditor), Leony Garcia at Glen Sibonga (Public Relations Officers). Kasama ring nanumpa ang Board Members na binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Rodel Fernando, John Fontanilla, Rommel Placente, at Francis Simeon. Naging saksi naman sa oath taking ang mga dating Pangulo ng PMPC na sina Melba Llanera, Julie Bonifacio, at Sandy Mariano. Sa kanyang speech nagpasalamat si Cong. Arjo sa P

Direk Perci Intalan proud sa 'Ten Little Mistresses,' Nagulat sa galing ni Kris Bernal sa komedya

Image
ni GLEN P. SIBONGA Natutuwa at napapa-proud si Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company, isa sa executive producers ng "Ten Little Mistresses, dahil naging bahagi siya ng produksyon ng naturang kauna-unahang Amazon original Filipino film directed by Jun Robles Lana na nagsimula nang ipalabas sa Prime Video nitong Miyerkules, Pebrero 15. "Nakaka-proud. Actually, 12 midnight (madaling-araw ng Pebrero 15) nag-stream na yung 'Ten Little Mistresses.' Nasa group chat ako ng Prime Video tapos nakita ko na excited na excited sila pati yung iba doon sa group chat na yun puro foreigners. So, ako talaga nakaka-proud lang na mayroong ibang excited sa pinaghirapan mo. "Siguro sanay ako na ako rin yung humahawak ng promo ko so magiging excited ka dahil baby mo yan. Pero yung ibang tao ang ma-excite at talagang push nang push. Tulad ng mga activities na pinaplano ng Prime Video to support the launch talagang nakakataba ng puso. Nakaka-proud talaga.  "At ngayon napapano

Tim Yap, Rica Peralejo, Curtismith, Janina Vela join Run Club members in opening the first HOKA Store in the Philippines

Image
by GLEN P. SIBONGA Celebrities Tim Yap, Rica Peralejo, Curtismith and Janina Vela join the members of HOKA Run Club during the unveiling and grand opening today, February 15, of the first HOKA Concept Store in the Philippines located at Ayala Malls Manila Bay (2nd Floor, Bldg B). Tim graced the event with his presence and greeted everybody. Rica showcased her jump rope skills while wearing HOKA shoes. Curtismith and Janina Vela amazed attendees with their vocal abilities. With established stores in the UK and USA, HOKA has been pursuing its plans of global expansion by setting up stores in Singapore, South Korea, Indonesia, and now in the Philippines. More than a shop, it has become a hub for hardcore and leisure runners. Known to be highly-cushioned, amazingly lightweight, and impressively breathable, HOKA has   been making waves in the running community, both for professional and recreational runners for   their comfortable fit and support. You can now enjoy running, jogging, or even

Sam Verzosa inaalay sa yumaong ama ang show niyang 'Dear SV' na tutulong sa mga Pinoy

Image
ni GLEN P. SIBONGA Inaalay ng Frontrow International CEO at Tutok To Win Partylist Representative na si Sam "SV" Verzosa Jr. sa kanyang mahal na ama na yumao kamakailan lang ang bagong public service show niya sa CNN Philippines, ang "Dear SV." "I'm just so proud na kahit wala na yung Papa ko natuloy po yung programa. Alam niyo po, konting trivia. Dati pinag-uusapan namin kung ano ang magiging title ng programa, kasi wala pa itong title dati. "Pero noong January 5 onwards naospital po yung Papa ko. So, pagpunta ko sa ospital doon pumasok sa isip ko na lahat ng ginagawa ko, lahat ng ako, galing po sa Papa ko. Siya po yung nagturo sa akin na huwag makalimot magbigay, tumulong. 'Kung ano man ang meron ka maliit o malaki huwag kang makakalimot anak na magbigay.' "Kaya naalala ko, sabi ko, ipangalan namin yung show na 'Dear SV.' Kasi siya po yung original na SV, siya po yung Samuel Verzosa talaga, junior lang po ako. "So, ito pong

Arjo Atayde nagpasalamat sa mga kasamahan sa Kamara sa pagpasa sa Eddie Garcia Bill

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagpapasalamat si Quezon City District 1 Representative Arjo Atayde sa mga kapwa niya congressmen at kasamahan sa Kamara de Representantes sa pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Eddie Garcia Bill na naglalayong proteksyunan ang mga manggagawa sa entertainment industry. “Nagpapasalamat ako sa aking mga kasama sa Kamara sa pagpasa ng Eddie Garcia bill. Bilang kasapi ng movie and TV industry, alam kong malaki ang maitutulong nito sa pagprotekta sa kapakanan ng mga nasa industriya,” sabi ni Arjo. Inaprubahan ng Kamara ang House Bill 1270 o Eddie Garcia Act sa sesyon ng plenaryo. Walang tumutol sa pag-apruba sa panukala na nakatanggap ng 240 pabor na boto. Ang panukala ay isinunod sa pangalan ng beterano at award-winning actor na si Eddie Garcia na namatay noong 2019 matapos ang isang aksidente habang nasa taping ng isang teleserye. Isa si Arjo sa mga may-akda ng naturang panukala na may layuning matiyak na mapoproteksyunan ang mga manggagawa sa entertainment industry

Beautederm CEO Rhea Tan opens largest store at Clark Cityfront Mall with Piolo Pascual

Image
by GLEN P. SIBONGA Beautéderm President and CEO Rhea Anicoche-Tan continues to be a game-changer with her newly-opened store at Clark Cityfront Mall in Angeles City, Pampanga. The grand opening of her biggest store was held last February 9 with the country’s Ultimate Heartthrob and Beautéderm ambassador Piolo Pascual. Anicoche-Tan, the brains behind the growing beauty empire, expressed her gratitude to Piolo and local ambassadors Mich Viray (fashion designer), Joanna Ning Cordero (marketing manager), and Voltaire Zalamea (event organizer) who were present at the opening, as well as Beautederm ambassador Darla Sauler who also acted as host. “This is another milestone. Being surrounded by supportive people like Mr. Piolo Pascual, Darla, and our local ambassadors feels good. This store means a lot. It is a testament to passion, dedication, and a lot of hard work,” Anicoche-Tan said. “This store is also a reminder of all the lives touched and changed by Beautéderm, whether you’re a consume

Sylvia Sanchez, Alessandra de Rossi, John Arcilla panalo ng top acting awards sa 37th Star Awards for Movies na ipinalabas sa FlexTV

Image
ni GLEN P. SIBONGA Napili ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) para manalo ng top acting awards sina Sylvia Sanchez, Alessandra de Rossi, at John Arcilla sa ginanap na virtual presentation ng 37th Star Awards for Movies na eksklusibong napanood sa Flex TV app nitong Linggo, Pebrero 12, 2023. Pinarangalang Movie Actress of the Year sina Sylvia Sanchez at Alessandra de Rossi para sa mga pelikulang "Coming Home" at "Watch List" respectively. Si John Arcilla naman ang itinanghal na Movie Actor of the Year para sa "Suarez, The Healing Priest." Nagwaging Movie of the Year ang "Untrue" ng Viva Films, IdeaFirst Company, at October Train Films. Habang Indie Movie of the Year ang "Tagpuan" ng Alternative Vision Cinema. Dalawang natatanging mga parangal din ang iginawad ng PMPC sa mga ipinagmamalaking artista at alagad ng pelikula. Una ay para sa beterano at respetadong aktor na si Ronaldo Valdez na pinarangalan ng Nora Aunor Ulirang Artista

Rhea Tan, Piolo Pascual pinangunahan ang pagbubukas ng Beautederm store sa Clark City Front Mall

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pinangunahan ni Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan kasama ng Beautederm ambassador na si Piolo Pascual ang pagbubukas ng bagong Beautederm store sa Clark City Front Mall sa Angeles City, Pampanga noong Pebrero 9. Present din sa opening ceremonies at ribbon cutting ang Beautederm local ambassadors na sina designer Mich Viray, events planner Voltaire Zalamea, marketing executive Ning Cordero, pati na ang Beautederm ambassador na si Darla Sauler na nagsilbi ring host. Very proud nga si Ms. Rhea na patuloy na nadaragdagan at dumarami ang Beautederm stores sa buong Pilipinas pati na sa international market. Ayon sa Facebook post ni Ms. Rhea, "Yehey! I have a new baby! 🙏🫠  Our 132 square meters #BEAUTéDERM Store is now Open at Clark Cityfront Mall!  "Other Beautéderm Stores in Pampanga!  Marquee Mall Angeles City  One North Mall Dau Mabalacat  SM Clark  NewPoint Mall Angeles City  Vista Mall Pampanga  BD HQ Sto Domingo Angeles City  SM Pampanga"

Sam YG nasubok ang galing sa tawaran at negosasyon sa 'Nego King Philippines'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Excited na ang TV at radio personality na si Sam YG dahil mapapanood na ang bagong show na siya ang host, ang "Nego King Philippines," simula ngayong Pebrero 8, 8PM sa YouTube Channel ng Anima Studios at sa LazLive ng Lazada App. Ang "Nego King" ay isa sa pinakasikat na web variety shows sa South Korea. Ang ANIMA Studios ng KROMA Entertainment ay nakipagsanib pwersa sa leading global entertainment company na A+E Networks upang dalhin ang "Nego King" dito sa Pilipinas. Si Sam YG ang napiling maging Nego King ng Pilipinas na tatawad at makikipag-negotiate sa mga executive at may-ari ng mga kompanya para makabuo ng napakagandang offer na hindi palalampasin ng mga Pinoy. Sa palabas na ito, mag-iikot-ikot si Sam YG para kumausap ng mga Pilipino at alamin ang kanilang mga pananaw at mungkahi ukol sa featured na produkto. Gagamitin ni Sam ang napag-alaman niya sa pag-interview ng mga tao upang makipag-bargain sa mga CEO o may-ari ng business pa