Angkas CEO George Royeca aminadong Vilmanian; Happy sa partnership kay Ate Vi
ni GLEN P. SIBONGA
Aminado ang Angkas Co-Founder and CEO na si George Royeca na isa siyang Vilmanian at fan siya ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto kaya naman tuwang-tuwa siya sa pagpayag ni Ate Vi na makipag-partner sa Angkas at maging ambassador.
"Sobrang surreal, parang panaginip. Parang nakamit mo yung bucket list check!" sabi ni Sir George sa presscon na inorganisa ng Angkas para kay Ate Vi.
Pati rin daw ang yumaong ina ni Sir George ay Vilmanian din.
"She was. Unfortunately, she passed away last year. She's definitely a big fan. She knew about this, so she was very excited then," ani Sir George.
Ang paborito ni Sir George na pelikula ni Ate Vi ay ang "Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?"
Ipinaliwanag naman ni Sir George kung bakit sa dami ng celebrities ay si Ate Vi ang napili nilang maging ambassador ng Angkas.
"Actually, there's a lot of actors and actresses that presented, that wanted to be a part of Angkas because nga they are motorcycle enthusiasts. And there's a lot of them out there who would actually be an easy fit.
"Siguro what was the critical factor for Ate Vi was really her love for helping people, her public service. She's really a very good ambassador that can sway people's mindsets.
"Alam niyo iba po yung ginagawa natin dito e. Nagi-introduce po tayo ng bagong konsepto na pwedeng pagkakitaan ng mga tao pero may responsibilidad na dapat ligtas. So, mabigat po yung responsibilidad na yun.
"Kailangan po natin ng ambassador na kayang i-sway yung utak ng mga tao, na paniniwalaan hindi lang po sa sining ng entertainment because she's popular but also because she's been in public service. She knows how to manage people. She knows how to move constituents. That"s why we chose Ate Vi."
Malaking bagay naman para kay Ate Vi ang adbokasiya ng Angkas para siya pumayag.
"Siguro nga dahil pumapasok yung pagiging public servant ko. It's not just the riding or yung pasahero or what, but malaking tulong yun sa present situation ng ating traffic problems, yung mga commuters kung paano naghihirap.
"Pero ang malaking bagay dito yung karugtong na adbokasiya yung pagbibigay ng oportunidad na trabaho. Yung oportunidad na mabigyan ng trabaho yung mga kababayan natin na nangangailangan especially sa panahon ngayon na may inflation and all these things. Pinakakailangan natin ngayon yung trabaho at may pera.
"So, iyan ang naibibigay ng Angkas ngayon, yung oportunidad, kasi parte iyon ng kanilang adbokasiya. Yung paniniwala nila na may pag-asa. Doon kami nagkakasundo ni Sir George pagdating sa programa o proyekto ng Angkas," paglalahad ni Ate Vi.
Comments
Post a Comment