Rhea Tan, Piolo Pascual pinangunahan ang pagbubukas ng Beautederm store sa Clark City Front Mall


ni GLEN P. SIBONGA

Pinangunahan ni Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan kasama ng Beautederm ambassador na si Piolo Pascual ang pagbubukas ng bagong Beautederm store sa Clark City Front Mall sa Angeles City, Pampanga noong Pebrero 9.

Present din sa opening ceremonies at ribbon cutting ang Beautederm local ambassadors na sina designer Mich Viray, events planner Voltaire Zalamea, marketing executive Ning Cordero, pati na ang Beautederm ambassador na si Darla Sauler na nagsilbi ring host.

Very proud nga si Ms. Rhea na patuloy na nadaragdagan at dumarami ang Beautederm stores sa buong Pilipinas pati na sa international market.

Ayon sa Facebook post ni Ms. Rhea, "Yehey! I have a new baby! 🙏🫠 
Our 132 square meters #BEAUTéDERM Store is now Open at Clark Cityfront Mall! 

"Other Beautéderm Stores in Pampanga! 
Marquee Mall Angeles City 
One North Mall Dau Mabalacat 
SM Clark 
NewPoint Mall Angeles City 
Vista Mall Pampanga 
BD HQ Sto Domingo Angeles City 
SM Pampanga"

Ang store opening na ito ay kasunod ng bonggang grand opening at unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters sa Angeles City, Pampanga noong Enero 21 at 22.

Sa Beautederm building matatagpuan ang corporate operations ng kumpanya at pati na rin ang iba pang mga negosyo na bahagi ng Beautéderm Group Of Companies na kinabibilangan ng luxury store na A-List Avenue - na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ng BeauteHaus - na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ng AK Studio – na isang state-of-the-art studio na angkop pati sa photo shoots at video productions; at ng Beaute Beanery – na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.

Sa mahigit na isang dekada, nakuha ng Beautéderm ang tiwala ng milyun-milyong loyal consumers nito bilang isang industry leader sa larangan ng beauty at wellness dahil sa mga hindi mabilang na mga produkto nito na ngayon ay maituturing na daily essentials na kinabibilangan ng skin at body care, vitamins at health boosters, home fragrances, mga patented merchandise, at marami pang iba. 







Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies