Sam YG nasubok ang galing sa tawaran at negosasyon sa 'Nego King Philippines'
ni GLEN P. SIBONGA
Excited na ang TV at radio personality na si Sam YG dahil mapapanood na ang bagong show na siya ang host, ang "Nego King Philippines," simula ngayong Pebrero 8, 8PM sa YouTube Channel ng Anima Studios at sa LazLive ng Lazada App.
Ang "Nego King" ay isa sa pinakasikat na web variety shows sa South Korea. Ang ANIMA Studios ng KROMA Entertainment ay nakipagsanib pwersa sa leading global entertainment company na A+E Networks upang dalhin ang "Nego King" dito sa Pilipinas.
Si Sam YG ang napiling maging Nego King ng Pilipinas na tatawad at makikipag-negotiate sa mga executive at may-ari ng mga kompanya para makabuo ng napakagandang offer na hindi palalampasin ng mga Pinoy.
Sa palabas na ito, mag-iikot-ikot si Sam YG para kumausap ng mga Pilipino at alamin ang kanilang mga pananaw at mungkahi ukol sa featured na produkto. Gagamitin ni Sam ang napag-alaman niya sa pag-interview ng mga tao upang makipag-bargain sa mga CEO o may-ari ng business para makalikha ng mga magagandang offer para sa mga mamimili.
Aminado si Sam na sa tagal na niya sa industriya ay marami pa rin siyang natututunan sa pagiging host niya ng "Nego King Philippines" at dito rin nasubok ang kanyang galing sa tawaran at negosasyon.
"I realize that you have to listen to people. You can't keep on talking. You have to listen, you have to know who you are talking to. And that includes what language you have to use, ta-Tagalog-in ba kita o i- English-in ba kita? Ano ba, seryoso ba itong usapan o kailangan pa-joke-joke muna tayo.
"Building that rapport, yung kailangan yung tingin natin dito parang barkada lang. That's where it starts e. Making a person feel - whether it's a CEO or a man in the street or anybody just walking - na magkaibigan tayo dito. Pareho tayo dito.
"Going along with the show, there are so many things that I have to learn. It's the first time I'm hosting a show that I don't even know the product that I'm supposed to be hosting. It was so real and raw that even my reaction is going to be caught on camera.
"Like I said, the key to hosting is really to listen. And that's what I can tell to everyone that I am learning with every episode. Mapapanood niyo yan sa first episode, sa second. Makikita niyo yung flow even with me, with the crew, our writers, our cameramen, nakukuha na namin yung timpla. A ganito pala ang kailangang gawin natin. Ganito pala ang timplang Pinoy. Every episode I learn something new, the learning never stops," mahabang paliwanag ni Sam.
Ang top online shopping platform dito sa Pilipinas na Lazada ang official partner ng "Nego King Philippines."
Mapapanood ang "Nego King Philippines" tuwing Miyerkules, 8PM, sa Youtube channel ng ANIMA Studios at LazLive sa Lazada app simula ngayong Pebrero 8.
Comments
Post a Comment