Buboy Villar official Beautederm ambassador na; Thankful kay CEO Rhea Tan sa regalong LV bag


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang-masaya si Buboy Villar na finally ay opisyal na ang pagiging Beautederm ambassador niya.

Ayon nga sa post ni Buboy sa kanyang official Facebook page, "Oh Diba!! Isang Napakagandang Blessing! Maraming salamat po 🫶 Official Ambassador Yarn!"

Kahit noong hindi pa official ambassador si Buboy ay palagi na rin siyang kinukuha ng Beautederm para sa iba't ibang events at store openings dahil na nga rin sa galing niyang magpasaya ng mga tao lalo na kapag magkasama sila ng patok niyang ka-tandem na si Jelai Andres, na nauna nang maging Beautederm ambassador.

Natutuwa kay Buboy ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan kaya naman anak at Beautederm baby na rin ang turing niya sa actor-singer noon pa. At ngayon nga ay opisyal na niyang isinama si Buboy sa mahabang listahan ng Beautederm ambassadors.

"Nahanap kona nawawala kong anak 😅 I love you anak! Official naaa! #BEAUTéDERM Ambassador na!" sabi ni Ms. Rhea nang ianunsiyo niya sa social media ang pagiging ambassador ni Buboy.

Kasama ng Instagram at Facebook post ni Ms. Rhea ang short video clip ng pictorial nila ni Buboy kung saan makikitang nag-enjoy silang dalawa.

Nagpasalamat din si Buboy kay Ms. Rhea matapos niyang ikagulat nang regaluhan siya ng Beautederm CEO ng Louis Vuitton bag mula sa isa sa mga negosyo nitong A-List Avenue.

"Batang Masaya! Pano ang gulat?! Maraming salamat mami!! @missrheatan solid neto may travel bag na ako from @alistavenue," ani Buboy sa caption ng kanyang IG post.

Paborito ni Buboy na Beautederm product ang Blanc Set, na sakalam ang tawag niya, dahil sabi niya ay gumuwapo siya at kuminis ang face nang gamitin niya ito.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies