Direk Perci Intalan proud sa 'Ten Little Mistresses,' Nagulat sa galing ni Kris Bernal sa komedya


ni GLEN P. SIBONGA

Natutuwa at napapa-proud si Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company, isa sa executive producers ng "Ten Little Mistresses, dahil naging bahagi siya ng produksyon ng naturang kauna-unahang Amazon original Filipino film directed by Jun Robles Lana na nagsimula nang ipalabas sa Prime Video nitong Miyerkules, Pebrero 15.

"Nakaka-proud. Actually, 12 midnight (madaling-araw ng Pebrero 15) nag-stream na yung 'Ten Little Mistresses.' Nasa group chat ako ng Prime Video tapos nakita ko na excited na excited sila pati yung iba doon sa group chat na yun puro foreigners. So, ako talaga nakaka-proud lang na mayroong ibang excited sa pinaghirapan mo.

"Siguro sanay ako na ako rin yung humahawak ng promo ko so magiging excited ka dahil baby mo yan. Pero yung ibang tao ang ma-excite at talagang push nang push. Tulad ng mga activities na pinaplano ng Prime Video to support the launch talagang nakakataba ng puso. Nakaka-proud talaga. 

"At ngayon napapanood na rin siya sa US at sa mga bansang English ang language. So, may subtitle siya in English, mayroon din siyang subtitle in Bahasa sa Indonesia, may subtitle siya para sa Thailand at saka sa Malaysia, Taiwan at saka I think sa Singapore. Proud ako na maganda yung project namin, magaling yung cast, magaling ang direktor, magaling everything,"  pahayag sa amin ni Direk Perci nang makausap namin siya sa isang event ng "Ten Little Mistresses" sa SM Megamall.

Tulad ng nabanggit niya, proud din si Direk Perci sa cast ng "Ten Little Mistresses" na kinabibilangan nina John Arcilla, Eugene Domingo, Pokwang, Arci Munoz, Christian Bables, Carmi Martin, Agot Isidro, Kris Bernal, Sharlene San Pedro, Adrianna So, Kate Alejandrino, Iana Bernardez, at Donna Cariaga. Pero isa sa mga ito ay gumulat kay Direk Perci dahil sa ipinakitang galing.

"Given naman yun na lahat sila magagaling. Pero honestly, isa sa pinakana-surprise kami ay si Kris Bernal. Kasi si Kris laging naa-assign sa drama. Pero si Jun (direktor ng movie) nasa GMA pa noong time ng StarStruck, so alam ni Jun ang kaya ni Kris. Sabi niya, 'Kaya ni Kris yan.' So, nung nakita namin si Kris, wala siyang takot, nakipagsabayan siya sa comedy kina Mamang Pokwang, kina Ms. Eugene. Lahat sila, lahat kami tuwang-tuwa kay Kris," paliwanag ni Direk Perci.

Bakit kailangang panoorin ang "Ten Little Mistresses?"

"Kasi masaya siya. Murder-mystery siya na hindi madalas mapanood lalo na sa Philippine cinema. At saka ang gagaling ng performers. Doon pa lang sulit na yung P149 mo sa pag-subscribe sa Prime Video. Kaya ko itong ipapanood sa iba't ibang tao at sure ako na mae-enjoy nila," ani Direk Perci.

Wish pa ni Direk Perci na tumagal pa ang partnership nila ng Prime Video.

"Sana maging fruitful pa yung partnership namin sa Prime Video. So far we're developing other projects for them. So, excited kamo doon. Malaking bagay yung mayroon ganitong kalaking suporta e. Hulog ng langit na mayroong Prime Video to help the industry."


Direk Perci Intalan with Iana Bernardez 
and Donna Cariaga


Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies