Valerie Tan gustong makasama si Kris Aquino sa Hong Kong
ni GLEN P. SIBONGA
GUSTONG makasama ni "iHeartPH" host Valerie Tan si Queen of All Media Kris Aquino sa Hong Kong adventure trip kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon at oportunidad na mamili ng celebrity na makakasama niya sa tinaguriang Asia's World City.
"Siguro if I want to bring someone with me to Hong Kong... siguro si Queen of Talk Kris Aquino!" bulalas ni Valerie.
"I'm such a huge fan of her. She's so smart. She's so witty. Feeling ko pag magkasama kami magiging magka-vibes kami. So I'll bring her, I'll tour her. And she'll give me some trivia. So I would love to meet her," dagdag pa niya.
Ito ang inamin ni Valerie nang tanungin ko siya tungkol dito sa media launch ng iHeartPH season 11 kung saan tampok sa unang apat na episodes ng bagong season ang kanyang second time adventure sa Hong Kong.
Ginanap ang media launch nitong Oktubre 15 sa Winford Resort and Casino Hotel kung saan present din ang Hong Kong Tourism Board Regional Director for Southeast Asia na si Ms. Liew Chian Jia or Ms. CJ.
Muling nag-collaborate sa pangalawang pagkakataon ang iHeartPH at ang Hong Kong Tourism Board upang ihatid sa mga manonood ang panibagong adventure trip na ito ni Valerie.
Dadalhin ng iHeartPH ang mga manonood sa sa limang destinasyon para sa isang memorable journey filled with culture, entertainment, discovery, and delicious flavors. Kabilang dito ang The Hong Kong Palace Museum tampok ang modern galleries and rare collections ng artifacts mula sa China's dynasties.
Nandiyan din ang Madame Tussauds Hong Kong kung saan makikita ang mga pinag-uusapang lifelike wax figures ng sikat na Pinoy celebrities gaya nina Boxing Champ Manny Pacquiao, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray, actress-TV host Anne Curtis, at Box-Office Star Kathryn Bernardo.
Isa pa sa paboritong pinuntahan ni Valerie ang Ma Wan 1868, isang historic fishing village na may magandang coastal scenery at punong-puno ng kasaysayan at pamana.
Syempre hindi mawawala sa Hong Kong trip ang pag-explore sa bonggang food scene nito - ang Ding Ding Foodie Tour.
At hindi pwedeng palampasin pag pumunta sa Hong Kong ang tinaguriang "happiest place on earth" - ang Hong Kong Disneyland, tampok ang world-class attractions nito at iconic Disney characters.
Ipinagmamalaki rin ni Valerie ang pagpunta niya sa isang Pinoy restaurant sa Hong Kong - ang Dara, na patok hindi lang sa mga Pinoy kundi maging sa mga banyaga.
Marami pang ibang mapapanood sa apat na episodes ng Discover Hong Kong na tampok sa season 11 ng iHeartPH na mapapanood tuwing Linggo, 11:30am, sa GTV simula sa Oktubre 25, 2026. Ang iHeartPH ay produced by TV8 Media.



Comments
Post a Comment