Series Finale ng "Drug War" mapapanood na sa YouTube ngayong Oktubre 8; Ian at Jane mailalantad na ba ang katotohanan?

ni GLEN P. SIBONGA


INAABANGAN na ang finale ng crime drama limited series na "Drug War: A Conspiracy Silence" at mapapanood na ito ngayong Huwebes, Oktubre 8, 8 PM, sa YouTube Channel ng Rein Entertainment.


Pagkatapos ng pagkamatay at malagim na sinapit ni Kiko Agustin (Harvey Bautista), magagawa na bang mailantad ang katotohanan sa nagaganap na war on drugs ng paring si Fr. Tom Carillo (Ian Veneracion) at pulis na Yana Macabeo (Jane Oineza)? 


Naimbitahan ako sa Finale Advance Screening ng "Drug War: A Conspiracy Silence" na ginanap kagabi, Oktubre 7, sa Ultra Cinema ng Uptown Mall BGC at doon nga ay nasagot ang katanungang ito. Mapapanood sa huling episode ang patuloy na pagtutulungan nina Fr. Tom at Yana upang makahanap ng mga ebidensya at mapanagot ang mga sangkot sa nagaganap na extrajudicial killings kaakibat ng drug war. Pero habang dumarami ang kanilang mga nadidiskubre ay tumitindi rin ang banta sa kanilang buhay. Paano kaya nila ito matatakasan at masosolusyunan?


Kapuri-puri ang pagkagawa ng limited series na ito na tumatalakay sa masalimuot at kontrobersiyal na paksa ng drug war. Pawang mahuhusay ang pagganap ng mga artista sa pangunguna nina Ian, Jane, at Harvey kasama rin ang iba pang cast na sina John Arcilla, Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Lotlot de Leon, Joem Bascon, Ryan Eigenmann, Art Acuña, at Gabby Padilla.


Kaya huwag palampasin ang finale ng "Drug War: A Conspiracy Silence" directed by Shugo Praico at produced by Rein Entertainment and KC Global Media. Mapapanood ito ngayong Huwebes, Okrubre 8, 8PM, sa YouTube Channel ng Rein Entertainment. Maaari niyo ring panoorin nang libre at buo ang mga naunang limang episodes.




Comments

Popular posts from this blog

Beautederm CEO Rhea Tan mamimigay ng libreng gasolina sa 100 delivery riders at tricycle drivers

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family

38th Awit Awards powered by VIBE sets the stage for the ultimate celebration of Pinoy music excellence