Alex Castro, Sunshine Garcia level up bilang ambassadors ng Beautederm Parfums; Magandang relasyon kay Rhea Tan hindi matitibag

ni GLEN P. SIBONGA


HAPPY and proud ang Beautederm ambassadors at celebrity couple na sina Bulacan Vice Governor Alex Castro at Sunshine Garcia-Castro dahil may sarili na rin silang produkto sa Beautederm na nakapangalan pa sa kanila - ang Alex at Sunshine scents ng Beautederm Parfums.

Level up nga sina Alex at Sunshine bilang ambassadors ng Beautederm Parfums, na sumasabay pa sa pag-level up ng kanilang career - si Alex bilang kapuri-puring leader at public servant na matunog ang pangalan na susunod na Gobernador ng Bulacan, habang si Sunshine naman ay muling dumami ang mga raket at shows sa pagbabalik ng kasikatan ngayon ng grupo niyang Sexbomb.

Ipinagmamalaki rin nina Alex at Sunshine ang pagkakaroon nila billboard bilang ambassadors nga Beautederm Parfums. Anila, first time ito na magkakaroon sila ng billboard na magkasama.

Kaya naman labis ang pasasalamat nilang mag-asawa kay Beautedem CEO and founder Rhea Anicoche Tan sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanila.

"Thankful kami kay Ate Rei (Rhea Tan) at sa lahat ng bumubuo sa Beautederm, unang-una binigyan kami ng chance, ng ganitong pagkakataon. Kumbaga hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon na magka-billboard at saka magkaroon ng sariling perfume. So, masaya kami ni Shine," sabi ni Alex.

Dagdag pa ni Sunshine, "Thankful and feeling blessed kami, ayun nga hindi naman lahat nabibigyan ng chance. Iba yun! Parang proud na proud kami sa sarili namin. Parang kung magyayabangan kaming dalawa, 'Uy, may billboard na tayo!"

Excited na nga silang makita ang billboard nila.

Ayon nga kay Alex, "Ang nakakatuwa parang pagdaan namin ng NLEX o kung saan man ito ilalagay, makikita ito ng mga anak namin, 'Uy, sina Papa at Mama o!' 

"Siguro pag nagpupunta kayo ng Bulacan ang makikita niyong billboard ko yung kasama ko si Gov. Daniel Fernando. So, ngayon makikita niyo yung asawa ko na ang kasama ko. At makikita pa ng mga anak namin. So, doon kami excited."

Sabi pa ni Sunshine, "Ang last billboard ko ang kasama ko Sexbomb. Ngayon ang kasama ko asawa ko na. So, happy!"

Habang tumatagal ay lalo pang gumaganda at lumalalim ang relasyon nina Alex at Sunshine kay Ms. Rhea. Mula nga sa pagiging boss at endorser ay nag-level up na sa pagiging magkaibigan at magkapamilya ang turingan nila sa isa't isa lalo pa nga't inaanak ni Ms. Rhea ang mga anak nila. Kaya hinding-hindi matitibag ang magandang relasyon nila.

"Ako kasi nasa Beautederm na noong bago pa lang sila kaya na-witness ko ang pag-grow, ang paglaki ng Beautederm. Dati konti pa lang kaming endorsers, ngayon ang dami na namin. At ipinagpalasalamat ko kay Ate Rei na hanggang ngayon nandito pa rin ako sa Beautederm. Hindi nila ako binitawan. Ngayon nga kasama ko pa ang asawa ko dito sa Beautederm. Pamilya na kami dito at hindi mawawala ang pagmamahal namin ni Shine, ng pamilya ko kay Ate Rei at sa Beautederm," pahayag ni Alex.

Say pa ni Sunshine, "Yung loyalty mahalaga sa amin yun e. Hindi lang loyalty pati yung friendship, yung love sa produkto at sa may-ari nandun na e. Kumbaga hindi mo basta ibe-betray yung taong nagtiwala sa iyo, tumulong sa iyo noong nag-uumpisa ka pa lang. Kaya mahal na mahal namin si Ate Rei kasi totoo yung pagmamahal niya sa amin."

Ang loyalty at pagmamahal na ito ang lubos na na-appreciate ni Ms. Rhea kina Alex at Sunshine.

Ayon nga sa speech ni Ms. Rhea sa media launch, "Today we express our gratitude to Sunshine Garcia and our Vice Governor Alex Castro, one of our original endorsers, one of our OGs since 2013.

"They have grown to be significant figures in Beautederm success. So, we have developed fragrances for them.

"Today also marks the debut of Alex and Sunshine's first ever billboard in NLEX. Iyan ang regalo ko sa kanila for being my loyal babies.Sa totoo lang konsehal pa lang siya (Alex) noon, baby ko na siya. Imagine mo Vice Governor na siya, hindi pa rin niya ako iniiwan. Siya ang nagpapatunay na hindi kasikatan at pera ang nakakasira sa tunay na pagkakaibigan.

"We believe that Alex and Sunshine deserve their own perfumes under our brand.  And aside from the fact that they both smell good, they remind us that the true scent of success is a friendship built on love and sincerity."

Ang ALEX Parfum ay signature scent inspired by the calm confidence and timeless charm of Alex Castro. Habang ang SUNSHINE Parfum naman ay signature fragrance inspired by the elegance, confidence, and timeless presence of Sunshine Garcia.

Ang iba pang scents na kabilang sa Beautederm Parfums ay ang Rei, Rein, at Audrey.

Mabibili ang Beautederm Parfums sa lahat ng Beautederm stores and branches nationwide. Maging sa online stores ng Beautederm. Bisitahin lang ang social media pages ng Beautederm para sa mga karagdagang detalye sa Beautederm Parfums.





Comments

Popular posts from this blog

Beautederm CEO Rhea Tan mamimigay ng libreng gasolina sa 100 delivery riders at tricycle drivers

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family