Jennylyn Mercado bagong mukha ng Reverie ng Beautederm; Nagpapasalamat sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal ni Rhea Tan
ni GLEN P. SIBONGA
MASAYANG humarap si Beautederm ambassador Jennylyn Mercado kasama si Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan sa mga entertainment press at bloggers upang ianunsiyo ang kanilang bagong partnership at collaboration. Si Jennylyn ang napili ni Ms. Rhea bilang bagong mukha ng nagbabalik na produkto ng Beautederm - ang Reverie Air Fabric Freshener.
Kaya naman sa media launch na ginanap sa Solaire North noong May 6 ay labis ang pasasalamat ni Jennylyn kay Ms. Rhea dahil sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal nito sa kanya. Unang inendorso ni Jennylyn sa Beautederm ang Cristaux beauty and anti-aging serums. At ngayon nga sa kanyang ikalawang taon ay ang Reverie Air Fabric Freshener na ang kanyang ineendorso.
Ayon nga kay Jennylyn, "Ate Rei (palayaw ni Ms. Rhea) maraming salamat sa pangalawang taon ng pagtanggap sa akin. Salamat sa pagmamahal at pag-aalaga sa akin. Napakagaling pong mag-alaga ni Ate Rei talaga. Napakalaki ng pasasalamat ko dahil sa pangalawang taon ko ay naka-develop kami ng magandang samahan at relasyon.
"We put so much trust into each other. Si Ate pamilya na sa akin ito. Wala pa ako sa Beautederm may communication na kami. Lalo pa ngayon na ninang siya ng anak ko, si Dylan, at endorser din niya ang asawa ko, si Dennis Trillo.
"Syempre yung trust ko naman sa Beautederm... unang-una yung quality. Yung quality ng lahat ng produkto na ginagawa ng Beautederm maaasahan. Very reliable, consistent. Simula noon, 17 years na, hanggang ngayon consistent ang mga produkto, hindi nagbabago."
Mahal na mahal ni Ms. Rhea sina Jennylyn at Dennis kaya naman puno rin siya na papuri sa mag-asawa. Aniya, " Napakabait nina Jennylyn at Dennis kaya paano mo naman sila hindi mamahalin. At saka talagang mahal din nila ako at ang Beautederm. Bonus pa nga na ninang ako ni Dylan. Napakasipag ding endorsers nina Jen at Dennis, ang sipag mag-posts (sa social media)."
Ang Reverie Air Fabric Freshener ay may anim na scents - Cafe Aroma (Coffee), First Embrace (Green Tea), Pure Serenity (Warm Vanilla), First Nostalgia (Grapefruit Citrus), Lily Lush (Matcha), at Cloud Whisperer ( Cherimoya).
Anong Reverie scents ba ang paborito ni Jennylyn?
"Yung Cloud Whisperer, yung Pure Serenity, at yung Cafe Aroma. Kinikuwento ko nga kay Ate Rei, yung Cloud Whisperer nakaka-relax siya. Yung pag gusto mo lang mag-relax, matulog, gusto mo lang manood ng TV, ganun. Pwede mong spray sa sofa. Pwede mong spray sa unan niyo, comforter. Sa air pwede rin.
"Yung Cafe Aroma naman gustong-gusto ko siya kasi amoy kape. So, kahit hindi ka pa nagkakape parang nagkape ka na sa amoy, gising ka na agad, na-energize ka na.
"Yung Pure Serenity, ganun din, yung amoy niya ang bangu-bango, parang ang linis-linis," sabi ni Jennylyn.
Ayon pa kay Jen, siguradong magugustuhan ang Reverie ng mga nanay na katulad niya at maging ng buong pamilya. Kaya perfect gift ang Reverie para sa mga nanay sa darating na Mother's Day.
Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lang at i-follow ang social media accounts ng Beautederm.





Comments
Post a Comment