Eksplosibong huling linggo ng "Totoy Bato" masasaksihan na sa TV5

HANDA na ang nagbabagang pasabog sa finale week ng tinututukang primetime action series na "Totoy Bato" matapos ang halos isang taong pamamayagpag nito sa TodoMax Primetime Singko ng TV5. Sa huling linggo nito, matutunghayan ang pinakamainit na labanan hanggang sa pagtatapos ng serye sa Abril 24. 

 

Abangan si Totoy Bato, na ginagampanan ni Kiko Estrada sa seryeng nagbigay ng bagong mukha sa iconic na karakter na nilikha ni Carlo J. Caparas at unang binigyang buhay ni Fernando Poe. Jr. 


Maaasahan ang mas matitinding rebelasyon sa mundo ng Pook Paraiso matapos ang pagkamatay ni Don Silvio Castillo (Mon Confiado). Dito na rin tuluyang aangat sa kapangyarihan si Dwayne Perez (Diego Loyzaga), na mas lalo pang magpapalawak ng kanyang kontrol sa pamilya Castillo. Habang tumitindi ang tensyon, iisa ang tanong ng manonood: sino ang mananaig sa huling salpukan nina Totoy at Dwayne?


Kasama nina Kiko at Diego sa powerhouse cast ng Totoy Bato sina Eula Valdez bilang Ruby Perez, Claudine Barretto bilang Diamond Labrador, Cindy Miranda bilang Amber Castillo, Mon Confiado bilang Don Silvio Castillo, Mark Anthony Fernandez bilang Stanley Rocco, Janno Gibbs bilang Engr. Arko Perez, Gold Aceron bilang Onyx, Billy Villeta bilang Dustin, Andrew Muhlach bilang Jett, Christine Bermas bilang Amethyst at Sapphire, at si Angelica Hart bilang Pierra.


“The success of Totoy Bato is a testament to the incredible passion of the production team and the stellar performances of the entire cast. We thank everyone who poured their hearts out to bring this story to life. It was their dedication that turned every episode into a memorable journey that we all shared with the audience,” pahayag ng Presidente ng TV5 na si Guido R. Zaballero


Huwag palampasin ang mas pinatinding pakikipagmatigasan ng lakas para sa katarungan ni Totoy Bato sa natitirang huling linggo nito. Mapapanood gabi-gabi, 8:00 PM, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "Frontline Pilipinas" sa TodoMax Primetime Singko ng TV5, with simulcast sa ONE PH. Napapanood na rin ang serye sa Cignal Play app na libreng mado-download sa Play Store at App Store. 




Comments

Popular posts from this blog

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family